Engineer, naaksidente dahil sa white lady

SUGATAN ANG isang engineer matapos bumaligtad ang minamaneho nitong pick-up dahil sa pagsakay at pagpapakita ng umano’y multo sa kahabaan ng diversion road sa Barangay Panicsican, San Juan, La Union dakong alas-2 kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Lloyd Bernardo, residente ng Barangay Ili Sur sa naturang bayan.

Base sa report ng mga tauhan ng San Juan Municipal Police Station, habang dinadala nila ang biktima sa ospital ay nasambit nito na mayroon umano siyang kasama sa loob ng kanyang sasakyan at nakiusap din ito na hanapin.

Matapos madala sa pagamutan ang biktima ay bumalik din ang mga awtoridad  sa pinangyarihan ng insidente kasama na rin ang mga residente roon upang hanapin ang sinasabing kasama nito sa sasakyan, ngunit wala silang nakita sa nasabing lugar.

Ilan naman sa mga residente ang naghihinala at nagsasabi na hindi tao ang kasama ng biktima sa loob ng sasakyan kaya ito naaksidente. Sa halip, ito ay isa umanong “white lady” na madalas magpakita sa nabanggit na bahagi ng kalsada na hindi kalayuan sa sementeryo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.