Engineer na kidnap victim, laya na

BASILAN – MAKARAAN ANG tatlong linggo, pinalaya na ng mga kidnapper ang isang engineer na kanilang dinukot sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinumpirma ni ARMM Police Director, Chief Supt. Bienvenido Latag na pinakawalan ng mga kidnapper si Engr. Virgilio Fernandez.

Si Fernandez na project engineer ng MACE Company ay dinukot ng apat na katao sa Sitio Libi, Brgy. Bulanting sa Lamitan City at dinala sa Brgy. Cadayan sa bayan ng Akbar.

Naniniwala si Latag na na-pressure ang mga kidnapper sa pinaigting na operasyon ng mga awtoridad kaya pinalaya ang biktima.

Isinailalim naman agad sa debriefing at medical check-up ang inhinyero.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.