Misyon Aksyon: Energy Saver, ‘di totoo ayon sa DoE

MGA CUSTOMER NG BSGE Consumer Enterprises ang nagsadya sa Pinoy Parazzi Misyon Aksyon, makaraang mabasa ang “Energy Saver” sa March 16, 2010 isyu. Makaraang lumabas ito sa kolum ng  Misyon Aksyon at magbigay ng kanyang karanasan ang isang ginang na talagang panloloko lamang at hindi ito nakatitipid ng kuryente.

Ayon sa Department of Energy (DoE), walang anumang energy saving device na ibinebenta sa bansa ang makatitipid at  konkretong makagpapatibay na mababawasan ang konsumo ng iyong ginagamit.

Napag-alaman ng Misyon Aksyon sa hawak na dokumento na walang anumang aparato, imported man o locally-made energy saving device sa merkado ang maaring pumasa sa DoE pagdating sa anumang aparato na gumagamit ng kuryente para ito ay makatipid.

Sinabi ng DoE Appliance Testing Laboratory Division na hindi totoong nakatitipid ang anumang energy saver, at isa na rito ang galing sa BSGE Consumer Enterprises na pag-aari ni Sonny Buenaventura.

Pawang panloloko, panlilinlang at kasinungalingan ang pagbebenta ng mga “Energy Consultant Saver” (ahente) na mga tauhan nito, na ang mga nabibiktima ay ang mga kanugnog nating bayan, lalo na sa mga probinsiya, na kung magbagsak ng tao ay halos 100. Kaya ang nabebentahan at naloloko nila ay humigit-kumulang sa 20 kustomer.

Ang kanilang modus-operandi, kapag ikaw ay nabentahan na nila tiyak muli kayong maeengganyo, at mas mahal na aparato ang kanilang muling iaalok sa walang patid na pagkumbinsi na halos 35 to 40 % umano ang matitipid sa pamamagitan ng kanilang mga presentation, kaya mabilis umano silang magkaroon ng mga branch, gaya sa Davao at sa malalaking probinsiya na siyang target ng grupo ng energy-saving device.

Sinasabi na lumalabag ito R.A. 8293 (Intellectual Property Acts of 1997), at walang takot sa patuloy na pagbebenta sa merkado. Maging sa DTI, wala silang katibayan na pumasa sa quality control ang aparato dahil walang nakadikit na ICC na patunay na dumaan sa masusing pagsusuri.

Hiling naman ni Mr. Bicolano, mabigyan daw sana ng babala ang lahat ng consumer na tigilan na ginagamit nilang aparato dahil sa delikado ito, lalo na sa panahong ito na sobrang init, at ang mga materyales na ginamit dito ay nagmula lamang sa isang lugar sa Kamaynilaan na kilalang bagsakan ng mga electronics parts.

Paging DTI at DoE, mga Sir, pakiibestigahan naman ang Energy Saver Device na kumakalat sa merkado. Maraming kababayan natin ang nabibiktima ang nabibiktima at naeengganyong bumili, dahilan sa inaakala nilang makatitipid sila sa apatong kanilang binili.

Kung magpapatuloy ang ganitong kalakalan sa merkado, baka maraming buhay ang mabuwis dahil sa pekeng sub-standard na produkto na hindi ligtas gamitin.

Sa BSGE Consumer Enterprises, bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Sa lahat po ng biktima ng biktima ng Energy Saver Device, maaari po kayong tumawag sa telepono bilang 8951482.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG, HOMEOWNERS AT IBA PA. CELLPHONE NOS.: SMART- 09281256871 / GLOBE – 091659862736; E-MAIL ADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com
arnel_petil@yahoo.com arnelpetil@gmail.com http://misyonaksyon.blogspot.com
Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan, kayo po ay maaaring gumamit ng“alyas” subalit kinakailangan pa ring ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makatutulong sa mga suliranin na inyong idinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala. Para po ito sa kapakanan ng bawat panig.

Misyon Aksyon
Arnel Petil

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.