Endorsements might be affected: Regine Velasquez, couldn’t confirm pregnancy

MATAAS ANG RATING ng Party Pilipinas nu’ng nakaraang Linggo kasi marami ang naghintay kung ano ang announcement na sinasabi nila.

Nandu’n kasi si Regine Velasquez, kaya ang inaasahan ng lahat ay ia-announce na ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, hindi naman pala.

Mangiyak-ngiyak lang siyang nagpaalam na hindi na niya itutuloy ang I Heart You, Pare, at si Iza Calzado na ang papalit.

Nagiging masasakitin daw siya lately kaya pinayuhan na raw siya ng doktor na magpahinga na muna siya.

Pero kapansin-pansin ang pagtaba ni Regine at ang sabi ng mga reporter na nag-cover doon sa Party Pilipinas, medyo marami raw itong pimples kaya mas mukhang buntis daw ito.

Hindi pa raw kasi siya puwedeng magsalita tungkol sa pagbubuntis dahil sa pinirmahan nitong kontrata sa isang endorsement.

Kaya kahit si Ogie Alcasid, hindi rin puwedeng magsalita kaya iniiwasan niya itong sagutin sa mga interview.

Ang sabi lang ni Ogie, nandiyan lang daw siya para alagaan si Regine dahil ang concern lang nito sa ngayon ay maging okay lang ito at nandiyan siya kapag inaatake ito ng migraine niya.

Si Ogie rin pala mismo ang nag-suggest kay Iza na siyang papalit kay Regine sa I Heart You, Pare, dahil ‘yun daw talaga ang mas nababagay. Mabuti naman at tinanggap nga raw ito ng aktres.

Abangan na lang natin kung kailan na sila magsasalita tungkol sa pagbubuntis na dinig ko mahigit 6 weeks na raw ito.

ANG ISA PANG pinag-uusapan naman ngayon ay ang magkasintahang Rich Alvarez at Kyla.

Ang nakarating sa amin na kuwento, nagpakasal na raw sila ni Rich kay Makati Mayor Junjun Binay.

Civil wedding daw muna sila dahil naka-schedule daw talaga ang church wedding nila sa December ngayong taon.

‘Yun daw ang pinaghahandaan nila ngayon. Pero ‘yang civil wedding na pinag-uusapan ay duda pa lang, dahil wala pang may nagsasalita sa kanila.

Kaya kumalat ang ganu’ng balita, dahil may nakakita raw sa kanila sa tanggapan ni Mayor Binay kaya napagtsismisan tuloy na nagpakasal sila roon.

Kinakalkal pa ng Startalk at ng Tweetbiz Insiders kung totoo ‘yan dahil wala pang may nagsasalita sa kanilang dalawa.

Nagulat nga ang manager ni Kyla na si Arnold Vegafria dahil hindi naman daw sila nagpaalam.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Endorsements might be affected: Regine Velasquez, couldn’t confirm pregnancy

  1.  CONGRESSMAN 75 MILLION  SENATOR 200 MILLION  PORK BARREL  tayong mga mahihirap sumali tayo sa NPA at tapusin natin ang kahirapan .palasyo ang bahay ni brgy chairman,vice mayor,mayor,vice governor,governor ,congressman,senador  at iba pang public official- servant   congressman 75 million senador 200 million pork barrel maraming            MAHIRAP, NAGHIHIRAP,GUTOM,NAKATIRA SA KALSADA-   CGE BUMILI PA KAYO NG PALASYONG BAHAY , SPORTS CAR,RESORT,CONDOMINIUM ,BAHAY SA AMERICA,AT IBA IBANG PROPERTIES SA IBAT IBANG PANIG NG BANSA.

  2. Lolit – alam mo bang ABC 7’s 6:00 pm news dito sa US kagabi ay na i feature ang scandalo ng show ni Willie? Ipinakita ang batang umiiyak habang sumasayaw at ipinakita rin ang isang babae na ewan kung nanay or tiyahin ng bata na palakpak ng palakpak habang sumasaw ang bata? Sabi ng host- “a Philippine tv show was taken off the air because of this young kid who was asked to dance like a strip teaser. This is a form of child abuse and exploitation” Nakakhiya tayong mga Pinoy! Pati ABC 7 (and I don’t know kung ang ibang stations din) showed this poor kid being exploited?

Leave a Reply

Your email address will not be published.