Endorsement sa Team Buhay, Idinipensa ng CBCP President

PERSONAL NA kakausapin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Cebu Archbishop Jose Palma si Bacolod City Bishop Vicente Navarra.

Ito ay may kaugnayan sa streamer ng “Team Patay” at “Team Buhay” sa labas ng San Sebastian Cathedral.

Si Archbishop Palma ay pupunta ng Kabankalan City, Negros Occidental dalawang linggo mula ngayon para sa 25th anniversary ng Diocese of Kabankalan at isasabay nito ang personal na pag-uusap nila ni Bishop Navarra.

Ayon kay Archbishop Palma na ang ginawa ng Diocese of Bacolod ay isa lamang “creative expression” ng kanilang reaksyon sa Reproductive Health (RH) Law.

Aniya, ang Bacolod City ay may paaralan na acrredited ng Roma upang mag-alay ng kursong may kaugnayan sa family life.

Ito ay nangangahulugan na ang Diocese of Bacolod ay may komunikasyon sa Roma at may sapat at malalim na pag-unawa sa isa sa kontrobersiyal na isyu sa bansa.

Nakakuha naman ng kakampi ang Diocese of Bacolod mula sa kilalang election lawyer kaugnay sa “Team Patay” at Team Buhay” poster.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, walang nagawang paglabag ang simbahan sa paglalagay ng giant poster kung kaya walang karapatan ang Comelec na ipagbawal ito.

Sinabi ni Atty. Macalintal na isang private property ang simbahan at kahit punuin pa nito ng advertisement ay hindi maaaring pigilan ng pamahalaan basta’t hindi nito inilagay sa kapahamakan ang mamamayan.

Samantala, kinampihan nito ang simbahan sa pagsasabi na ang poster ay hindi campaign material para sa eleksyon kundi bahagi ng pagpahayag ng position ng diocese kaugnay sa RH Law.

Kasalukuyang, pinayuhan rin nito si Bishop Navarra na huwag mangamba sa pahayag ng Comelec na maaari itong kasuhan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.