Endorsement ni James Yap, hinarang ni Kris Aquino?!

Bongga talaga ‘pag si Heart Evangelista ang ini-interview dahil walang “no comment” sa kanya, lahat sinasagot.

Nakaaaliw ang interview niya sa Tweetbiz ng QTV 11 kagabi dahil lahat sinagot niya lalo na ang tungkol sa lovelife niya.

Inamin nitong sa lahat ng mga lalaking nakarelasyon niya, kay Jericho Rosales siya sobrang nasaktan pero ngayon ay nalagpasan na niya ito at talagang binura niya sa board ng Tweetbiz ang pangalang Jericho at pinalitan ito ng Daniel.

Haping-hapi siya kay Daniel Matsunaga na halos dalawang buwan na pala ang kanilang relasyon, dahil nu’ng August 20 daw sila officially mag-on.

Pati raw ang Mommy niya ay puring-puri si Daniel dahil napakabait daw nito at ang tingin nga raw niya parang anghel ito sa sobrang kabaitan.

Isantabi na raw ang pagiging guwapo nito. Sobrang bait daw talaga na wala siyang maipipintas kaya masayang-masaya ang aktres at umaasang magtatagal sila.

Nabanggit din sa interbyung ‘yun ang pagbabati nila ni Bianca King dahil sabi nga ni Heart, mabuti na raw ‘yun para wala na siyang dinadalang bigat sa dibdib.

Obvious na ang dahilan ng away nila noon ay ang dating boyfriend niyang si Ian Dy.

Pero dahil break na sila ni Ian, nakipagbati na ito kay Bianca dahil useless naman daw kung magdededmahan pa sila.

Kaya puwede na raw silang magsama sa isang production number sa Party Pilipinas at okay Rin naman daw silang magkasama sa isang project.

Inamin din ni Heart na nagkikita sila minsan ni Jericho Rosales dahil pareho sila ng salon pero hanggang “hi”, “hello” lang daw sila.

Hindi rin niya masasabing friends sila dahil wala naman daw silang komunikasyon.

Nakarating din daw sa kanya ang balitang nag-break na yata sina Jericho at ang current girlfriend nitong si Cesca Litton, pero nabalitaan lang daw niya ‘yun at hindi na niya tinanong ito kay Echo.

NAKU HA! NAKARATING din sa akin na kinukuha raw ng Flawless si James Yap para maging endorser nito, pero ang latest daw hindi na ito natuloy.

Dahil nakarating nga kaya ito kay Kris Aquino?

Di ba Belo endorser na uli si Kris at isa rin sa may-ari ng Flawless si Dra. Vicki Belo? Kaya mukhang may kinalaman dito sina Vicki at Kris kaya hindi na natuloy ang pag-uusap nina James at ng mga taga-Flawless.

Pagkatapos daw magsalita ng abogado ni James na si Atty. Lorna Kapunan para ipagtanggol ang basketbolista, nairita raw si Kris kaya lahat daw ng nakiki-friends kay James hindi na niya friend at pati raw mga friends niya na abogado si Atty. Kapunan, hindi na rin nito friend.

Kung totoo ‘yan, nagtataka naman ako bakit ganu’n na lang ang galit ni Kris kay James?

Ano kaya ang nagawa ni James sa kanya bakit lumalabas ang pagiging negatibo nito. Hindi naman siya ganyan, kaya ang laki nang ibinago ng ugali nito magmula nang maghiwalay sila ni James.

Kung ganyan ang mangyayari, maaaring mapunta kay James ang simpatiya ng mga tao.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleKC Concepcion, ayaw harapin si Mariel Rodriguez dahil magdi-deny lang!
Next articleRuffa Gutierrez, patuloy na kinukulit sa text ni John Lloyd Cruz!

No posts to display