Ending ng May Bukas Pa, baka ‘di matanggap ng supporters!

Honestly, kami’y tuwang-tuwa sa muling pagpapalakas ng TV5. Ayan at nandiyan na sina Maricel Soriano, Dolphy at sa news and current affairs department naman ay si Cheryl Cosim.

Gano’n talaga ang buhay. Kung wala kang trabaho, heto’t me nag-aalok at gusto kang pagtiwalaan ng trabaho… kaya, ba’t hindi mo sasamantalahin?

Hindi naman porke’t from ABS-CBN at lumipat sa TV5, wala nang utang na loob. Nagkataon na bakante sila, wala pang ibinibigay na trabaho, kaya sumakabilang-bakod muna, ‘di ba?

Aba, kahit naman sa amin mangyari ‘yon. Palalampasin mo ba ang oportunidad habang wala kang work?

Siyempre, the right thing to do is magpaalam sa kanila nang pormal para maayos ang iyong pagtatrabaho sa kabila.

‘Eto na, bukas na po ang final episode ng May Bukas Pa kung saan ito ang episode na hindi n’yo dapat palampasin, lalung-lalo na ang masusugid na tagasubaybay.

Magbaon na ng panyo habang nanonood. Ihanda ang iyong isip at puso sa mga eksenang maaaring hindi n’yo matanggap.

Ihanda rin ang inyong pang-unawa sa mga kaganapan para hindi kayo magalit sa ABS-CBN.

Alam n’yo na siguro kung ano ang ibig naming sabihin.

Tinatawagan namin si Paolo Contis para makibalita kung ano na ang lagay ng kanyang Daddy Renato Contis. Ayaw niya kaming sagutin. Ni sa text, iniiwasan niya.

Ang huling alam namin ay terminal na ang cancer ni Daddy Renato sa prostate, kaya ang sabi na lang namin kay Paolo ay ihanda na niya ang kanyang kalooban at i-maximize niya na habang nandiyan pa si daddy.

“Ako na lang ang kilala ng daddy ko, eh,” sey pa ni Paolo. “Hindi na niya kilala ‘yung ibang nagbabantay sa kanya.”

Sobrang bait ng Italyanong ama ni Paolo, sa totoo lang. Nine years old pa lang si Pao, eh, tsika-tsika na kami ni Daddy at napaka-cowboy nito. Kung ano ang kanyang kausap at anuman ang edad nito, pakikibagayan niya.

Kaya let’s all pray na sana, magkahimala si Bro. O, kung hindi man, ‘yung pinaka-peaceful na “eksena” na lang ang igawad sa kanya ni Bro.

Habang sinusulat ito’y kausap namin si Santino. Tinanong namin siya.

Zaijian, ano’ng next mo pagkatapos ng May Bukas Pa?

“Gagawa po ako ng movie kasama si Kuya Piolo (Pascual).”

Teleserye?

“Hindi ko pa po alam.”

Ang daming iiyak ‘pag namatay ka sa May Bukas Pa.

“Ang dami nga din pong nagtatanong kung ano’ng mangyayari, eh. Hindi ko po puwedeng sabihin.”

As if naman, hindi namin alam, eh, nabasa na namin ang script hanggang huling episode at ‘eto nga, kukunan na namin.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Daddy Eric B, Ms. F at Fwend Rommel Placente.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

5 thoughts on “Ending ng May Bukas Pa, baka ‘di matanggap ng supporters!

  1. kame ng buong pamilya ko ay nalulungkot at matatapos na ang MBP!!! kc malaki ang implwensya na naidudlot nito sa aking mga pamangkin!!! bawat pagkatapos ng MBP ang tatay ko ay nagtatanong kung ano ang napulot nilang araw ngaun gabe!! at ang tame ay may dagdag sa baon nila!!! sayang at mag eend na!!! but thats life!!! bawat palabas my simula at katapusan!!! salamat santino!!! hahaha matatapos na rin ang tanong ng pamangkin ko bakit lague ka galit kay kimberly,rosalie @ jeniffer!!! GoodLuck sa pagtakbo suportado ka nmen lague tatandaan ATO MAY BUKAS PA!!!!

  2. ito ay tulad sa story ni Marcelino pan y vino, ang batang santo. Namatay siya pagkatapos niyang gumawa ng mga milagro, dahil na rin sa kasakiman ng mga tao. Very real ang MBP na sana naman ay mamulat ang mata ng mga tao na NASA DIYOS ANG AWA NASA TAO ANG GAWA. Hindi uunlad kapag ang tao ay tamad.

  3. hindi ko talaga matatanggap matapos ang mbp kasi ikaw ang inaabangan ko dun ogie hahahahahah syempre pati sila maja at rayver!!!!1111111

Leave a Reply

Your email address will not be published.