Enchong-Erich loveteam, muling patutunayan ang star power!

Love team Erich Gonzales and Enchong Dee topbill in their first mainstream movie titled I Do under Star Cinema and directed by Veronica Velasco. Ang pelikula ay istorya ng pag-iibigan nina Yumi (Erich), a girl na naniniwala sa fate at destiny, at Lance (Enchong) na kabilang sa isang typical at traditional Chinese family na maraming mga tradisyon na kailangang sundin.

Kuwento ni Erich tungkol sa kanyang karakter, “Naniniwala siya sa mga destiny, fate. Contrast sila roon ni Lance kasi hindi siya naniniwala sa ganoon.” Sabi naman ni Enchong that his character will do everything just to fulfill his promises to Yumi.

After starring together on the hit series Katorse, Tanging Yaman, Magkaribal and their independent movie Pa’no Ko Sasabihin ay muling pinatutunayan nina Erich at Enchong ang kanilang star power sa I Do. Hindi maikakaila na malakas ang hatak ng kanilang loveteam sa mga manonood kaya binigyan sila ng ganitong kalaking proyekto.

Alam ni Erich na malaki ang nakapatong na responsibilidad sa kanilang mga balikat ni Enchong lalo pa’t iba ito sa mga nagdaan nilang projects. “Napakalaking pressure kasi it’s a big project. Iba ito sa mga nagawa naming teleserye before, sa indie movie namin. And iyon nga mainstream siya tapos under Star Cinema pa. First time naming mag-lead sa isang pelikula kaya hindi maiiwasan na ma-pressure at kabahan.”

Parang kailan lang when I first met Erich nang siya ay sumali sa ABS-CBN’s Star Circle National Teen Quest kung saan isa ako sa mga naging jurors. Ngayon ay dalagang-dalaga na siya (she’s 20 years old). Biniro ko pa nga siya dati nang magkita kami. Sabi ko dalaga na siya. Nakakatawa ang naging sagot niya sa akin, “Sobra, Tito Boy!”

She admitted on The Buzz that her life made a 360-degree turn after she joined showbiz dahil unang-una ay malayo siya sa kanyang pamilya na nakatira sa Davao City. “Nakaka-sad sobra po pero nandito ako nagtatrabaho naman para sa kanila. And I’m sure kung ano ang narating ko ngayon ay sobrang happy sila dahil nandiyan sila para sa akin.”

Matagal ko na ring kilala si Enchong having met him when he was maybe 13. Enchong is AJ Dee’s younger brother. Enchong showed that he is not only a champion swimmer but also a talented young actor.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

15 thoughts on “Enchong-Erich loveteam, muling patutunayan ang star power!

  1. ano nman kung di kumita ? bsta npa2nayan nlang kya nila gumwa ng ganun klaking project ! hoy kaung mga critics nla enchong nd erich! inggit lng kau kc sikat n cla ! wla kaung mgawa s buhay nyo! wag n cla tirahin nyo iba nlang !!

  2. yong I DO naman, si Melai at Pokwang nagdala ng lakas sa takilya, Promise. Yan po ang masakit na katotohanan. Just observed sa mga malls tour kung sinong hinahabol at sinisigawan, ..yon na yon nga eh.!

    • lmao, dapat pala sila yong naging lance at yumi.

      mga pilipino nga naman, di na lang maging masaya para sa iba. eh kong si pokwang at melai masaya na suportahan si enchong at erich kayo pang mga fans ni melai at pokwang. eh kong hindi pala bukal sa kalooban niyo eh di naman kayo pinipilit na suportahan ang movie ni erich at enchong.

      sobra naman yong nagsasabi na ng dahil kay melai at pokwang lang kaya malakas sa takilya. bakit di na lang magsuportahan tayo mga fans.

      malay niyo pag may movie si melai or pokwang baka susuportahan din kayong ng enrich fans. bakit kelangan pa i compare. bakit di na lang maging masaya at magtulungan para suportahan sila. tsk tsk

  3. …hindi naman ganun kahirap maghintay diba?

    PATIENCE IS A VIRTUE….

    kaya dapat maghintay kayo kung magkano ba talaga ang kinita ng I DO movie…

    wag maging atat ;)

  4. FLOP? where’s the evidence na flop nga? hahahaha

    hindi naman porket wala pang naipapakita at nilabas kong magkano ang kinita ay sasabihin niyo ng FLOP. bakit hindi niyo na lang antayin na ibalita mismo ng SC bago niyong sabihing flop.

    mga pinoy nga naman , kaya di umaasenso. if I know yong mga nagsasabing FLOP jan gusto niyo lang makipag compete eh. di niyo lang matanggap binigyan ng big break si erich at enchong. gusto niyo lang yong mga idols niyo ang sikat. tsk, panigurado ang mga nagsasabing flop enrich haters yan. hahaha

  5. ewan q sa inyo basta ako gusto si Erich kc magaling xang artista. i did watch the movie maganda ang pagkagawa..pati ang casts super galing nila…sana panuorin nyo din…kahit di kayo maka Erich you will love this movie..one of a kind, maraming matu2nan ka din socially relevant pati..

  6. ay di ba flop nga yung movie..balita ko 7 million lang daw in two weeks..ang layo layo sa mga kinikita ng star cinema sa ibang movies…

  7. ang tagal naman yung box office mojo na maglabas ng weekend gross…2 weeks na yata ang movie nina erich at enchong na “I DO” pero hindi pa nila linalabas kung ilan ang kinita ng movie nila….

      • ang cute mo talaga enchong dee……. IDOL talaga kita…….. lalo na pag ngumiti ka …at c ate erich naman ang ganda mo….! ericholics talaga ako…….at enchongholics ……… iDOL…….. bagay talaga kau………..

Leave a Reply

Your email address will not be published.