Enchong Dee, walang bahid!

WALA RAW BAHID, as in malinis na malinis at clean living ang sikat na young actor na si Enchong Dee. Nasabi nga nito hindi raw siya mahilig gumimik at pulos clean fun lang ang kanyang libangan kung may spare time lang din siya mula sa sobrang hectic na schedule.

Hindi rin naninigarilyo at umiinom ng alak ang binata, ayon sa kanya, at ipinagmamalaki nga ni Enchong ang kanyang pagkakaroon niya ng disiplina sa lahat ng bagay. Disiplinang nakuha niya sa pagiging atleta, kung saan isa si Enchong sa mga champion swimmer na nagbigay ng ‘di na rin mabilang na karangalan para sa bansa.

At ang mga positive qualities na iyon ni Enchong ang naging batayan ng Amway para kunin siya bilang first celebrity endorser ng kanilang Nutrilite food supplements.

Pero teka, bukod sa pagkakaroon ng clean living at disiplina sa sarili, mayroon pa raw isang bagay na nagtutulak kay Enchong para maabot ang kanyang mga pangarap – at iyon ay ang kanyang inspirasyon! Hindi naman mapaamin ang young star kung ano o sino ang kanyang inspirasyon, kaya naman guessing game pa rin ang mga utaw! Hmmm… ano ba kasi talaga, kuya!

Photos by Luz Candaba

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

2 thoughts on “Enchong Dee, walang bahid!

  1. walang bahid ng pagiging lalaki si enchong bakla ka enchong magladlad ka na bakla anong taon na mas maganda ka pa enchong sa loveteam mo na mukhang katulong wahaha