Enchong Dee, tinuluyan sa traffic violation!

MAY DETRACTOR si Nora Aunor na tila minamaliit ang Thy Womb at ang ipinupunto ay isa lamang itong indie film at hindi full-length movie.

What that detractor failed to realize is that indie man ang movie ni Nora na idinirek ni Brillante Mendoza ay nagbigay naman ito ng karangalan sa aktres, sa director at sa ating bansa.

Nora was adjudged as the Best actress sa 7th Asian Film Awards in Hong Kong, sa 6th Asia Pacific Screen Awards in Brisbane, Australia, and was awarded the Bisato D’Oro (Golden Eel), Critics’ Prize sa  69th Venice International Film Festival.

Sa aming kamalayan ay wala pang local actress ang nabigyan ng ganitong recognition.

We’re pretty certain na hindi maa-achieve ng sinumang artista ang mga accomplishments ni Ate Guy kaya sorry na lang sa mga bitter diyan.

At ang bone of contention pa ng detractor ni Ate Guy ay hindi raw kumikita ang movie nito.

Eh, bakit, ‘yun bang isang celebrity na iniidolo niya ay nagre-rate ba ang show? Hindi naman, ‘di ba? Wala ngang commercial ang show nito kaya nga tsinugi na, hindi ba?

Hindi nga ba’t may umiikot na tsismis na sobrang disappointed ang TV execs sa celebrity na ito na akala nila ay magbibigay sa kanila ng malaking income pero hindi naman nangyari. Ayun, frozen delight tuloy ang beauty niya.

 

HUMANGA SI Enchong Dee sa pagiging patas ng traffic enforcer na humuli sa kanya for a traffic violation.

Na-tow ang sasakyan ni Enchong at kasama pa niya noon si Rayver Cruz nang mangyari ito.

“I admire people who properly implements our law… Kapag mali… mali, walang mayaman, walang politician,” tweet ni Enchong.

Tinuluyan man siya ng officer na humuli sa kanya ay hindi naman bothered si Enchong dahil alam niya ang kanyang pagkakamali.

Si Rayver naman ay nag-post din sa kanyang Instagram account ng photo nila ni Enchong habang nasa redemption area ng isang towing office.

“Nice one Chong sa susunod mag park ka sa parking area mismo ha good job!!!@superchonggo,” sabi niya kasabay ang photo ng kuha nila sa opisina ng humuli kay Enchong.

“Hay nako @enchongdee777 minsan na nga Lang tayo Lumabas perwisyo ka pa haha!” he said.

Galing yata ang dalawa sa isang event ng cellphone company nang mangyari ang insidente.

 

MRS. CECELIA Ongpauco rattled off several reasons why she wants senator Chiz Escudero ouf of her daughter Heart Evangelista’s life.

But the one that caught our attention was because he “is urging her to have my name removed as talent manager”.

We vividly remember that some two years ago ay gusto ring paalisin si Annabelle Rama bilang manager ni Heart, ‘di ba?

Now, ano kaya ang feeling ng madir ni Heart na siya naman ngayon ang nasa dating katayuan ni Annabelle? Does it hurt, Mrs. Ongpauco? Ngayon ba ay alam mo na ang feeling na pinagdaanan ni Annabelle?

 

MAY NAKAKITA raw na magkasama sina Sunshine Cruz at Cesar Montano kamakailan sa isang restaurant.

With this, tongues naturally wagged. Nagkabalikan na raw ang dalawa at naayos na ang kanilang gusot.

We don’t think so. Kasi naman, tuloy na tuloy na ang pagsabak muli ni Sunshine sa pag-arte. Meron siyang television show na gagawin sa Dos.

Isa pa, kung nagkabalikan sila, tiyak na magkakaroon sila ng announcement.

Baka naman meron lang meeting ang dalawa para sa kanilang mga anak kaya sila nagkita. Or may be they were just threshing things out nang maging pormal na ang kanilang paghihiwalay.

Anyway, marami pa rin naman ang nagwi-wish na maayos ng ex-couple ang kanilang problema. Marami pa rin ang umaasang magkakabalikan sila.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

11 thoughts on “Enchong Dee, tinuluyan sa traffic violation!

  1. Sino ba yang detractor ni nora at panay ang insulto? una, walang masama sa indie films, ito ay tinaguriang art films kasi walang limitasyon hindi tulad ng sa mainstream film na puro pera-pera lang ang labanan… isa pa, mga indie films ang napapansin sa ibang bansa, meron na bang mainstream film na nanalo abroad ng sunod-sunod? wala pa… Yung mga gawa ni Brillante Mendoza ang parating napapansin abeoad gaya ng Serbis, Kinatay, Lola at ngayon, Thy Womb… Di ba nga si Direk Dante lang ang kaisa-isang Pilipinong nanalo ng Best Director sa Cannes Film Festival? Kahit sina Lino Brocha at Ishmael Bernal hindi nagawa kaya be proud di ba? At si Nora Aunor kahit anong sabihin ng iba dyan wala pa ring makapapantay o hihigit sa acting niya… NORA IS NORA!

    • AY HONGTARAY MO TEH! KORAK KA JAN. PERO TEKA, BAKA SI RONALD CARBALLO PINATATAMAAN NI ALEX B? KASI NUMERO UNONG SUPPORTER NI MEGA YAN NOON, KASO, ITINAKWIL SYA. I BET MERON YANG DI MAGANDANG GINAWA KAY MEGA.

  2. Si ANGEL LOCSIN super frozen delight waley namang primetime teleserye! Agree ako sa iyo Ms. Alex absolute dissapointment ang hitad at puro TVC lang ng balakubak shampoo ang meron ito. Lugi nga ang ABS sa kanya!

    • baliw si sharon cuneta ang tinutukoy ni AB at hindi si angel locsin! … kung frozen delight si angel locsin sa ABS e bakit nagkaroon at magkakaroon ng movie? kung walang teleserye ibig sabihin frozen delight? e bakit may weekly show na toda max? … mag-isip kasing mabuti bago magkomento ng non-sense!

      • TODO MAX todo FLOP sa ratings!!!! GAGA ang kinalaban ni La Aunor for Best Actress ang TABACHINGCHING mong idol na si Angel Locsin.

      • itong si piolete boba. flop daw ang todo max teh magbasa basa ka naman wag lang puro pagkain ng sardinas na rasyon nyo sa kamuning.  Kumakalat dyan ang mga ratings magbasa ka. kaloka.

    • holy week na! panahon ng pagsisisi at panghuhusga! … nagawa mo na bang mag-confess? try mo! … baka makabawas and ma-realize mo na hindi tamang manghusga agad2!

    • Ok ka lang? Looks like you have a chip on your shoulder. Galit ka sa mundo kaya ang dali dali mong gumawa ng istorya. Ikaw ba, natiketan ng MMDA maski wala ka namang ginagawang masama ? Ay , mali pala. Hindi pala puwedeng tiketan kung naglalakad lang. Este, maliban na lang kung jay walking ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published.