Enchong Dee, tahimik na pumoporma ng ligaw kay Julia Montes!

HINDI NAMAN kasi mahilig magpapansin si Enchong Dee o kailangang gumawa siya ng isyu para lang mapag-usapan sa showbiz. Kahit nga ang kanyang panliligaw ay sobra ring ipinakalilihim, kaya nga ang daming nag-uurirat kung mayroon ba siyang mga babae na nililigawan? Sa totoo lang kasi, maraming kababaihan ang nagkaka-crush sa young actor, dahil bukod sa mabait at maamo ay napakatahimik niyang tao. Umaapaw ang breeding niya bilang unang pagpuri sa kanyang personality.

Mabuti na rin nga ‘yung mayroong mga tao, katulad ng lola ni Julia Montes na nagsabing duma-dalaw sa kanilang tahanan si Enchong. Matagal nang magkakilala sina Julia at Enchong. Kaya lang, sobrang Nene pa ang hitsura noon ni Julia, kaya wala pang malisya ang kanilang pagkikilala. Pero sa ngayon, kahit bagets pa ang isa sa mga bida ng teleseryeng Walang Hanggan ng ABS-CBN, napakalakas ng kanyang sex appeal, dahil larga na sa pagkadalaga ang kaseksihan niya kumpara sa kasabayan niyang si Kathryn Bernardo na mukhang Nene.

Gentleman si Enchong, dahil hindi niya pinopormahan si Julia sa taping, shooting o sa bakuran ng ABS. Pormal na mga tao ang pamilya ni Enchong, kaya alam nila na kung manliligaw ang actor ay dapat na sa bahay ng young actress bumisita ang binata. Nagtatagal na rin ang closeness nina Julia at Enchong, kaya nga ang ibang gustong pumorma ng ligaw sa young actress ay medyo nagdadalawang-isip at nadidiyahe kay Enchong.

 

NAPAKAYAMAN NA kasi ni Kris Aquino sa mga panahong ito, kaya ang posibilidad na muli siyang magkaroon ng bagong lalaki na makakarelasyon at ituring niyang muling magiging bagong katuwang niya sa buhay, ay parang napakalabo pa na mangyari. Kung ano ang mayroon si Kris ngayon na mula sa kanyang pinaghirapan kaya siya yumaman ay nagiging tapang ng kanyang loob bilang babae para kahit paano’y isipin na mahirap din na sumugal siyang muli na magmahal sa isang lalaki na kakarampot lang ang kinikita kumpara sa milyones niyang talent fee sa showbiz.

Nitong mag-celebrate si Joshua ng kanyang birthday, naglaan talaga si Kris ng napakahabang oras para makasama ang dalawa niyang anak. Ilang linggo silang nagbakasyon sa iba’t ibang bansa, dahil laging iyon ang gusto niyang iregalo kina Joshua at Baby James taun-taon kapag may libre siyang oras. “Kahit siguro super busy ako, isisingit ko na maipasyal lagi ang mga anak ko. Kasi, kapag dumating ang panahon, na mga binata na sila, iyon ang gusto kong maalaala nila, na kahit super busy ang mommy nila, nakakasama nila ako nang mahabang oras,” wika ni Kris.

Itinuturing ni Kris na sina Joshua at Bimby ngayon ang dalawang lala-king pinakamahalaga sa kanyang buhay. Wala pa talagang bagong lalaki, kapalit ng kanyang ex-husband na si James Yap ang pupuwede niyang ipag-malaki na bago niyang inspirasyon. Medyo okey si Joshua, pero si Baby James ay hindi okey na makipagrelasyon ulit ang mommy niya.  “Consistent si Bimby sa kanyang pag-ayaw. Ayaw niyang magkaroon ng baby sister, kaya korek din siya na ayaw niya rin na magkaroon ako ng boyfriend,” banggit pa ni Tetay.

ChorBA!
by Melchor Bautista

6 thoughts on “Enchong Dee, tahimik na pumoporma ng ligaw kay Julia Montes!

  1. NAKU JULIA MONTES WAG NA WAG KANG PALOKO SA BAKLA NA YAN. PORKE ALAM NA INOCENTE KA PA SA LALAKE EH GAGAMITIN KA PARA LNG PAGTAKPAN YUNG KABAKLAAN NYA BEAHAHAHAHAHAHAHAHHHA

  2. Wag!!! Kawawa nman c Julia!!! Prang another Kc & Piolo in the making nanaman ito pag nagkataon :(

  3. sus dina kailangan ni kris ng mapapangasawa kasi consitent naman ang pagpapa iyot nya sa mga lalaking binabayaran nya like diether ocampo…consistent xang paiyot don ng may bayad..saka sobrang luwang na kepyas nyan…wala ng magseseryoso jang lalaki pera nlng din habol jan….tapos ang utol nyang si abnoy PNOy naman kala mo napakagwapo na ang daming dinadate na mga babae if i know bakla yan at lalaki ang hanap nya talaga yong tanda nyang yan dipa nya pinakasalan si shalani o kaya si grace lee kong talagang lalaki xa…hahaha

  4. PUWEDE BA? ALAM NAMAN NATING IBA ANG LIKE NI ENCHONG AT HINDI SI JULIA YUN… MALANSA ANG HASANG NIYAN KAYA SA KAPWA NIYA SIYA PUMAPATOL HAHA, GINAGAMIT LANG NIYA SI JULIA KUNWARI LALAKING-LALAKI XA…

  5. Stop this non sense. I just hope sometimes these writers will have some credibility and self respect. Stop taking payments to write up Bogus stories. Enchong Dee does NOT like girls. OMG, stop playing with peoples minds. He uses lipstick and lip gloss more than i do. Need to say more?

  6. magkano nman naiabot sayo ni kris.? kulang na lang saluhin ng writer na to ang std ni kristeta!!