Enchong Dee, puro babae ang dine-date noon

MAY PRESS CONFERENCE kahapon para sa isang malaking comedy concert set on October kung saan kasama sina Pokwang and Chokoleit and supposed to be, invited du’n ang TV5 crew.

But on the last minute, nagpasabi ang organizer na hindi raw puwede ang Channel 5.

Ang dahilan? Utos daw kasi ni Mr. Johnny Manahan na ‘wag papuntahin ang Channel 5 sa naturang presscon. Why, oh why?

Wala kaming makitang dahilan aside from the fact na taga-Dos si Pokwang but tekaminute, hindi naman Channel 2 event ‘yung presscon, ‘di ba?

Now, we are just thinking, siguro e,naging personal masyado ang handler ni Pokwang sa mga banat sa kanya ng mga hosts ng entertainment shows ng TV5 kaya ayun, bigla silang naging allergic kapag nakakakita ng pulang crew cab ng station from Novaliches.

We took pity tuloy sa organizer ng concert na ang gusto lang naman e, ang mai-promote ang kanilang project sa lahat ng networks possible. But because of personalan e, mukhang limited lang sila ngayon sa Channel 2.

Kung sakali, we believe na Pokwang is smart enough to answer all kinds of issues hurled against her at kung sakali ulit e, puwede naman silang mag-impose sa mga TV correspondents na walang magtatanong tungkol sa issue para maiwasan na lumaki pa ang gulo.

Ang nangyayari tuloy, ginagawa nilang stupid si Pokwang sa pamamagitan ng patuloy nilang pag-iwas sa mga reporters who does not belong sa kanilang network, samantalang keri naman ng komedyanteng sagutin nang maayos and peacefully ang lahat ng isyu sa kanya… hayz!!!

MATINDING ITINATANGGI NG kapatid ni Enchong Dee na si AJ ang mga paratang against sa kanyang brother ni Marlon Bonales, ang injured victim sa nabanggang jeep ng Kapamilya star.

Sabi ni AJ, hindi raw totoo na pinabayaan nila si Marlon at hindi ginagastusan. May mga papel daw silang hawak para magpatunay na hindi nila ito pinabayaan sa gamot at sa pinansiyal na tulong.

Sa Paparazzi program nagpa-interview si Marlon at labis na nasaktan ang pamilya ni Enchong sa kanilang narinig lalo na nang sinabi nito na, “… sana naman,e, magpakalalaki siya at harapin ang kanyang responsibilidad…”.

“Hindi talaga namin alam kung bakit ganu’n kung magsalita si Marlon. Hindi namin gusto ‘yung sinabi niyang magpakalalaki ang kapatid ko na harapin siya,” sabi sa amin ni AJ sa kanyang text message.

Alam naman nating lahat na matagal nang isyu ang gender ni Enchong kaya nasaktan talaga ang kanyang family sa double meaning na statement ni Marlon.

“Sana lang, hindi siya pinilit na magsalita ng reporter ng Paparazzi. Magpapa-interview rin si Enchong tungkol diyan at malamang e, lumabas ‘yon sa ABS-CBN dahil nagmi-meeting na kami tungkol sa isyung ‘yon,” dagdag information pa sa amin ni AJ.

Hmmm… mukhang naging sensitive na talaga ang pamilya ni Enchong lalo na kung naibabalik ang gender issue.

Nabanggit na sa amin ito ni AJ nu’ng huli namin siyang nakausap nang personal kung saan pinagdiinan din niya sa amin na lalaki si Enchong at marami itong dine-date kahit na nu’ng wala pa ito sa showbiz.

We would like to clarify na puro babae ang dine-date ni Enchong noon. E, ngayon? Let’s say na mas naka-focus siya sa kanyang career. Sayang nga naman ang opportunity, ‘di ba?

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

6 thoughts on “Enchong Dee, puro babae ang dine-date noon

  1. I love Enchong in Magkaribal.

    Ewan ko ba, ang lakas ng appeal niya kapag nakikita ko siyang madungis at gusgusin sa Magkaribal.

    Ang yummy-yummy niya sa Magkaribal in a major, major way!

    • isama mo na sya sa city jail..bagay sya dun at least gagawin na yung pangarap nya maging isang dyosa sa city jail…achenggayyyyy..

Leave a Reply

Your email address will not be published.