Enchong Dee & Pokwang: Live, Love, Laugh!

Pokwang-Echong-DeeENCHONG DEE
Real Name: Ernest Lorenzo Velasquez Dee
Birthdate: November 5, 1988
Zodiac Sign: Scorpio

POKWANG
Real Name: Marietta Subong
Birthdate: August 27, 1970
Zodiac Sign: Virgo

LIVE, LOVE, Laugh! Isa na namang nakakalurkey na pelikula ang handog ng Star Cinema at Starlight Films sa madlang pipol! Ito ay ang Call Center Girl na pinagbibidahan ni Pokwang. Si Enchong Dee lang naman ang ka-loveteam niya rito at ka-love triangle niya ang junakis sa film na si Jessy Mendiola. Whatta warla, huh!
Malaki man ang age gap nina Enchong at Pokwang, wa etchos naman na may chemistry sila base sa trailer. Kung sakali kayang maging makatotohanan ng love story ng dalawa ay may tsansa kayang tsumamba? Let’s see!
Compatible sa isa’t isa ang Scorpio at Virgo. Parehong praktikal at mahilig mag-analyze ng kapwa, kahit pa magkaiba ang kanilang pamamaraan. Mas fearless at adventurous ang Scorpio kumpara sa Virgo. Mas determinadong makakuha ng jackpot sa anumang aspeto ng buhay ang Scorpio, na maaaring maging cause of conflict sa mahiyain at mapasensyang Virgo.
Ang pagiging sensitive ng Virgo ay maaaring ikairita ng Scorpio. Kailangang mag-usap ng dalawang zodiac na i-analyze kung anu-ano ang kanilang strengths and weaknesses. Dapat nilang matutunang mag-usap at magbigayan kung trip talaga nilang maging happily ever after ang love story nila, ‘noh! Matatalinong tao naman sila at alam nila kung kailan dapat mag-fight at mag-give up lalo na kung seryosohang bagay ang pinag-uusapan.
Ang relasyon ng Virgo at Scorpio ay may malaking tsansang jumakpot. Ang pagiging deep at passionate ng Scorpio ay maaaring maglabas ng itinatagong romantic side ng Virgo. Ipamumulat nito sa babaeng kasintahan ang magagandang naidudulot ng love sa buhay ng tao. Ang pagiging intense ng Scorpio ay maaaring mag-balense sa pagiging super praktikal at balanse ng Virgo. Kilala rin sa pagiging loyal ang dalawang zodiac at agad-agad nilang mararamdaman na safe and secured sila sa piling ng isa’t isa. May mga konting tampuhan every now and then, pero hindi ito magiging hudyat ng major break-up. Pangako ‘yan!
‘Yun naman pala, eh! Kung sakali pala ay may chance sa love department sina Pokwang at Enchong. Ano na, tawag-tawag para date-date din ‘pag may time! Hihihi!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Enchong Dee & Pokwang: Live, Love, Laugh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.