Enchong Dee, patuloy na pinagdududahan!

OLA CHIKKA now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly! Pak na pak na naman tayo to the highest level.

Maloloka ka talaga sa Earth dahil ano na naman ito? Kaloka, as in, para akong mabubuwang na talaga sa Earth sa nakarating sa aking tsika na ang isang hindi mo na masasabing bagets actress na maganda at angkan din ng mga artista, na nagbida na rin sa isang teleserye, pero may nagbulong sa akin na ang naturang aktres ay kaila-ngang malaman na ng kanyang maderaka na baka hindi pa alam na ang kanyang anak ay napapabalitang nalululong na sa ipinagbabawal na gamot.

Kaya pala biglang nawala sa circulation ang dating masigla at bongga ang career ng aktres na ito. Kasi nga naman, may nagkuwento sa akin na ang aktres na ito ay may sinugod sa Boracay na isa ring aktres na walang pakundangang nagwala at walang makaawat sa kanya. Buti na lang, talak kung talak ang ginawa, kasi kung gumamit ng kamay siguradong nagkasakitan ang dalawa.

‘Eto na, maloloka ka talaga sa Earth, kasi mga ilang oras pagkatapos ng kanyang ginawang pagtatalak sa aktres na inagaw raw ang dating BF n’ya ay nagtungo ulit sa hotel na tinutuluyan ng aktres na tinalakan niya at biglang humingi ng sorry at parang tupang lulugu-lugo na ikinagulat ng mga nakakita sa naunang insidente.

Marami ang nagtaasan ng kilay kung ano ang nangyayari sa aktres, kasi ibang-iba na talaga ang looks niya na akala mo, high na hign sa ipinagbabawal na gamot? Mahahalata mo naman ang isang normal, kesa abnormal na talagang mahahalata mo na unti-unti na siyang sinisira ng bisyong walang patutunguhan.

May nagsabi pa na matagal na raw niya itong ginagawa, ang masamang bisyong ito, na walang makapagsabi kung bakit niya ginagawa ito na siguro kung buhay ang kanyang ama, hindi mangyayari ito. Kasi dumanas din itong gumamit ng ipinagbabawal na gamot na walang nangyari sa buhay niya kung hindi siya nagbago at huminto dito. Hindi mo naman masabi na dahil sa pagkawala ng kanyang ama, kasi matagal nang wala. Kaya hindi rason na ‘yun nga ang dahilan.

‘Eto pa ang isang nakakaloka, pagkatapos mag-sorry ay biglang umalis at pakanta-kanta pang naglakad mag-isa pabalik sa kanyang hotel na tinutuluyan. May nakasalubong na isang aktres din at biglang inakap at hinalikan sa lips. Nagpupumiglas ang aktres at nagulat sa inasta ng aktres na parang lango na naman at biglang nagtatatakbo itong na parang walang nangyari sa kanyang ginawa sa kanyang ka-lips to lips. ‘Di ba, iba na ang timpla ng aktres na ito?

Kung totoo man ito, aba dapat maagapan agad para mapa-rehab. Sayang ang ganda at husay ng aktres na ito or dapat ipatingin sa isang psychiatrist.

WALA NA ba akong marinig na tsika kay Enchong Dee kundi ang paghinalaan ang kanyang pagkalalaki?

Ito lang po ang masasabi ko. Sa tinagal-tagal ko nang beki, wala akong nakikitang kabaklaan ni Enchong. Bagkus, kung sa babae, mahinhin lang talaga ito, na ‘yun naman ang nagugustuhan ko sa isang lalaki tulad ni Piolo Pascual. Kasi kung mga beki sila, sigurado ako, wala nang lalaki sa showbiz industry.

Napupuna ko lang na ‘pag sikat na ang isang lalaki, sasabihing bading, dating callboy at kung anu-ano pang negatibong paninira, para lang bumagsak ang kanilang career. ‘Wag naman, kasi pinaghihirapan nila ‘yan para marating ang katanyagan.

Isa pa, bakit ano ba ang masama sa beki? Kung hindi ka naman nagpapakabeki okay lang. Hindi bagay kina Enchong at Piolo na sila ay maging beki, kasi nga naman, makikita mo sa kanila na makalaglag-underwear, lalo na ‘pag umarte, ang gagaling nila.

Kaya please, tigilan na nila ang dalawang ito. Kasi hindi naman nakatutulong sa kanila. Inggit lang ang mga ‘yan, kasi wala silang kakayanan katulad ng mga talinong ibinigay sa dalawa.

Sa akin, ano man ang pagkatao nila, hinaha-ngaan ko pa rin ang dalawang ito. Kasi, kahit ano ang gawin sa kanilang pagkatao, hindi talaga natitinag ang kanilang katanyagan. Naniniwala kasi ako na nobody can put a good man down. Say mo?

Dapat alisin na niyo sa isip n’yo ‘yan. Kasi, ako na mismo ang nagsasabi na matagal na akong beki pero wala akong nakikitang senyales na ang dalawang ito ay beki. Mas lalaki pa ito sa inyo!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articlePiolo Pascual, aminadong hirap sabayan ang kakenkoyan ni Angelica Panganiban
Next articleVice Ganda, bet na bet si Yves ng PBB Teens!

No posts to display