Enchong Dee, naglitanya ng kanyang work experience sa Regal Films

Enchong Dee

Enchong Dee

Masayang experience para kay Enchong Dee ang gumawa ng pelikula sa bakuran ng Regal Films. Si  Enchong Dee ang leading man ni Kiray Celis sa pelikulang “I Love You To Death” na ipalalabas sa July 6.

“This is my first time with Regal, pero sobrang nag-enjoy ako. Kasi ‘yung movie outfit ni Mother Lily (Monteverde), iisa ‘yung purpose, ‘yung determinasyon sa paggawa ng pelikula. Everything is proper, everything’s organized, the actors are prepared, the directors, the staff. So sabi ko, ‘Ah, it’s the same pala (with Star Cinema).

“Pati actors, kahit galing sila sa iba’t ibang management, kapag mahal mo ‘yung trabaho, iisa lang ang working attitude n’yo, eh. Walang pa-diva, walang pahirap, so naging madali, naging fluid ‘yung takbo ng shooting,” kuwento ng aktor sa karanasan niya sa Regal.

Na-surprise din daw siya sa attitude ni Kiray towards work habang ginagawa nila ang “I Love You To Death”.

“Hindi ko akalain na ganu’n na pala siyang magtrabaho ngayon. Kasi siyempre, dati nakasasama ko lang siya sa ASAP, sa mga live shows, and then only to realize na… I think, siguro dahil Star Magic din siya, so ‘yung training niya rin iba.

“They have the same attitude sa work nina Erich (Gonzales), Maja (Salvador), ‘yung mga nakatrabaho ko dati. Hindi siya nalalayo and siyempre, bida siya rito and kailangan niya talagang mag-step-up. And sa tingin ko naman, naibigay niya. Kasi ginawa niya talagang lahat,” deskripsyon pa niya sa leading lady.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.