Enchong Dee, mas bagay makipagsampalan kaysa makipagsuntukan?!

Ayon sa aming source, hanggang June ang taning na ibinibigay ng kampo ni Iza Calzado sa GMA-7 para mabigyan ito ng konkreto at magandang proejct at kung sakaling wala pa ring mangyayari sa TV career ng magaling na aktres, malamang e, magpa-release  ito sa Kapuso Network.

Sabi ng aming kausap na very close kay Iza, puro indie films ang pinagkakaabalahan ngayon ng aktres at matagal na itong naghihintay ng offer sa GMA-7 pero walang dumarating.

As of press time e, nag-usap na raw si Daddy Lito at ang pamunuan ng GMA Artist Center and as usual, may pangako na naman silang ibinigay para kay Iza. Kapag dumating ang June at hindi tumupad ang GMA-7 sa kanilang OPM e, magko-concentrate daw muna ang aktres sa pelikula.

Napatunayan na ni Iza ang kanyang galing sa paglabas sa iba’t ibang role kaya kung sakali e, malaking loss siya sa network. Hindi na rin kami magtataka kung may kumausap kay Daddy Lito from Kapamilya network para du’n na lang papirmahin ng bagong kontrata ang magaling na aktres.

And why not? E, magaling naman talagang mag-alaga ng mga prized talent ang ABS-CBN kung ikukumpara sa GMA-7, hendehvah?

SINA JAKE CUENCA, Ejay Falcon, Jason Abalos at Enchong Dee ang mga Agimat stars na nagpakitang gilas sa ASAP XV nu’ng Sunday sa pamamagitan ng mga stunts on stage at dahil diyan, may nag-text.

“Bakit ganu’n? Dahil nagpakita ng mga stunts ang mga boylets, ayun, kitang-kita tuloy kung sino ang naiba.”

Nag-reply kami. Sabi namin, bakit, sino ba ang naiba?

“Hello! Hindi ba obvious? Sa apat na boylets na nakipagsuntukan sa mga stuntmen on stage e, si Enchong ang pinakamalamya. Para siyang girl. Sana, imbes na nakipagsuntukan e, nakipagsampalan at nakipagsabunutan na lang sana siya sa mga stuntmen. E, ‘di mas kapani-paniwala at siguradong magbubunyi ang mga kapederasyon,” ang second text message sa amin ng aming textmate.

Oo nga naman. Live naming nakita ang production kaya nahalata rin namin. Pero kung bibigyan si Enchong ng benefit of the doubt, baka naman hindi lang siya nakapag-practice masyado ng suntukan sa mga goons.

Pero in pernes kay Jake, kering-keri niya ang mga stunts at lalaking-lalaki ang kanyang dating.

Si Jayson at Ejay? Siguro, kailangan pa nila ng maraming agimat ni Mang Ramon. He-he-he!

FOR THE NTH time ay sa ASAP XV nag-celebrate ng birthday si Ms. Zsa Zsa Padilla at inamin niyang more than a decade na siyang member ng ASAP family.

Op kors naman, hindi kumpleto ang birthday ng Divine Diva kung hindi siya magbibigay ng dazzling production number para sa kanyang mga supporters na present sa live audience.

Wala talaga kaming nagawa kundi ang titigan si Ms. Zsa Zsa sa kanyang live song number dahil kahit na hindi na siya bumabata e, grabe pa rin ang pagka-hot ng ermats ni Karylle. Now, hindi na rin kami nagtataka kung bakit in-love na in-love sa kanya si Mang Dolphy.

Kudos din siyempre sa production staff ng ASAP XV headed by the executive producer Ms. Marvy sa kanilang magandang production na ibinigay sa Divine Diva.

Ewan kung anong magic meron ang ASAP XV production dahil mame-mesmerize ka talaga sa lahat from the visual technology hanggang sa audio quality.

Sana, ganito rin sa ibang channel para maging kaaya-aya naman ang panonood ng TV, ‘di ba?

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

13 thoughts on “Enchong Dee, mas bagay makipagsampalan kaysa makipagsuntukan?!

  1. Eh! pano yan kung sila pala ni Maja ang maging magkaloveteam eh! di bumigay na sya dahil baklang bakla ring gumalaw si Maja tapos tomboy sister nya eh! di bonga welcome sa FEDERASYON!!!!!!!!

  2. hay naku Enchie sabihin mo na kasi ang totoo! The truth will set you free! Obvious na obvious naman kasi na bading ka eh! Yung mga fans mo lang na nagbubulagbulagan ang nag i-illusyon na lalake ka!

    • tigilan nyo nga c enchONg… baka iNggIT kaYU sa KAnYA…..! hNdi porke’t hndi masyadong magalINg suMuntok ehh BAkla na….. hndi ba kayu nag iisip? maHIya nga kaYu

  3. hahahaha akala ko ako lang ang nakapansin.

    Parang pumatay lang siya ng lamok, di bagay sa Agimat series kasi kahit si Darna mas lalake pa sumuntok kesa sa kanya.

    Yung super kakatawa pa e yung tile ng Agimat serye niya ay Boy Putik…har har har!

  4. Sa mga hindi nakakaalam, may difference sa pagiging Gay at Transexual/ Drag.

    Ang Gay, gusto nga ang lalaki, pero gusto pa rin maging lalaki, hindi nila gustong maging babae, di sila nagbibihis babae at siguradong ayaw nila sa mga gay na nagbibihis babae.

    Ang Transexual, mga bading na gustong maging babae, nagbibihis babae at nag-aasal babae.

  5. to quote vice ganda….etong baklang joey sarmiento na ito ang tipo na di mo kakapitan kasi mukhang squatter hahahahahah

  6. enchong, magladlad ka na!
    wala namang masama sa pagiging bakla.
    baka maging best aktress ka pa balang araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published.