Enchong Dee, malamya lang kumilos pero ‘di bading! – Ogie Diaz

MERON NA BANG gagawing teleserye si Claudine Barretto ngayong isa na siyang Kapuso? O, sadyang ginamit lang muna siya sa pagpo-promote ng mga upcoming shows ng GMA-7?

Kami, feeling namin, umpisa ‘yon ng pagpaparamdam ni Claudine ngayong siya ay Kapuso na at mina-manage na ngayon ng Viva Artist Agency.

Pero may mga nagtatanong din na siyempre pa ay hindi namin masagot.

Ang tanong ay bakit news blackout sa dating bakuran ang paglipat ni Claudine at hindi pinag-usapan?

Ikinukumpara din si Claudine kay Angel Locsin na pinag-usapan nang bonggang-bongga ang pag-alis nito sa GMA hanggang sa maging Kapamilya.

Me ganu’ng factor ba ‘yon? Kami, feeling namin, mas pinili rin ng Kapamilya na ‘wag na lang magsalita.

At kahit siguro kay Claudine, mas type nitong tahimik na lumipat bilang Kapuso.

Palagay n’yo?

Ba’t ganun ang ibang tao? Sinabi na ni Enchong Dee na hindi siya bading ay kumbakit ipinipilit pa nila?

Dapat pala ay hindi na sinasagot ito ni Enchong para hayaan na lang silang magduda nang magduda hanggang sa ika-highblood na nila.

Ang alam talaga namin (so far) eh, si Enchong, medyo malamya lang kumilos, pero deep in his heart, tunay na barako ‘yan.

Saka ano ba yon? Porke wala lang girlfriend, bakla na? Batayan ba ang pagsi-siyota para tumingkad ang pagkalalaki mo?

So, ngayong me pamilya na kami, may misis at apat na anak na kami, ano ‘yon, barakung-barako na ba ang dating namin, gano’n?

Lets pray for the speedy recovery ni Daddy Renato Contis, ang Italyanong daddy ni Paolo Contis. Medyo hindi maganda ang kundisyon ni Daddy Renato at nakikipaglaban sa Big C sa prostate.

Nakatutuwa si Paolo, dahil balewala sa kanya kung magkano man ang nagagastos niya sa pagpapaospital sa kanyang ama.

“Hindi ko pa ine-entertain ‘yung thought na mawawala ang Papa ko, kaya lahat ng paraan, ginagawa namin at ng mga doktor para lumakas siya!”

Manalig ka lang kay Bro, Paolo!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn. Kasama siyempre, sina Ms. F, Daddy Eric at Fwend Rommel.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

11 thoughts on “Enchong Dee, malamya lang kumilos pero ‘di bading! – Ogie Diaz

  1. in fairness kay enchong kahit naaamoy ko kalansahan nya,crush ko pa rin sya,masarap talaga sya,so hot…i saw him several times,malamya nga sya…bading talaga..pero andun yung admiration ko sa kanya,so sa madaling salita…BAGAY KAMING DALAWA… sama ka sakin sa rome,dun tayo magpapakasal…legal tayo dun… Hay naku…super ilusyon na naman ako…hahaha…

  2. hai.. mga pilipino talaga nuh? napaka talangka ng paguutak?

    Guys, anu naman kung bading si enchong? Bakit sobrang big deal sa inyo? ang mahalaga ay mabuti siyang anak, marunong sya sa buhay at mabuti siyang tao..

    In fact wala naman kayong definite evidence.. puro lang kayo “nakita ng friend ko”, nakita ng kung sino mang hudlum sa tabi tabi and “naka-chat ng pinsan ko”…

    Asikasuhin nyo nalang sarili nyong buhay and stop making others life miserable.. And baguhin nyo yung ugali nyong paninira sa tao.. tsk.. wag nyong ipakita na ganyan ang ugali ng mga bading… “ANG MANIRA”..

    Each one has flaws and no one given perfect life..

  3. Bakla ‘yan. I have a very powerful gaydar. ‘Wag na nga kayong in denial. Kung alam niyo lang kung gaano karami ang bakla sa mundo ngayon, baka mag-umpisa kayo ng witchhunt. Prepare the pitchforks! lolz

  4. akala ko lalaki ka at natuklasan ko na totoo nga isa kang bading magtago-tago kana bakla ka bakla parejas kayo ni ogie diaz hahahaha

  5. ogie kapamilya ako pero bading tlga si enchong nakachat yan ng pnsan ko at nakita nya eye to eye…sana nag ingat si enchong sa mga gingawa nya para hindi sya mabuking……

    kaya ako gusto ko si ejay falcon n kahit promdi gwapo na macho pa….astiggg

  6. kalat na kalat sa school namen bading daw si enchong how sad talaga dame naniwala super crush ko siya nawala na ngayon kasi bading si enchong

    BAKLA KA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    • ano naman kaya kung bakla si enchong, ninakawan ka ba nya, pinatay ba nya yung mga magulang mo, ni rape ba nya yung kapatid mong binata?

      ano kung bakla sya basta ba hindi sya gumagawa ng masama sa sarili, sa pamilya sa’yo o sa sambayanan sa tingin ko nga kasali rin sya sa mga charity na nakakatulong sa ibang tao, malay mo isa ka sa na be benipisyuhan kaya pasalamat ka na lang

  7. ogie sana matalo ka ano nga ba uli ang posisyon na tinatakbo mo sa track and field? may utang na loob talaga si claudine panay ang pasasalamat sa abs kahit ang mommy niya may sama ng loob dahil kinalimutan bigla si claudine. si angel makasarili kasi pera at kasikatan lang ang habol niyan in short User siya!

    • hah! si claudine, panay ang pasasalamat sa abs? naku, utot mo!!!! si claudine nga mismo nagsabi di na sya nagpaalam dahil alam nyang di sya papayagan.

      nagtaka pa kayo na parang kinalimutan si claudine ng ABS… e naturalmente, umalis yung tao e, alangan namang ibalandra pa nila yung mukha ni claudine sa channel 2… utak lang yan tol… isip ka.

      saka kung mukhang pera si angel, sana nagstay sya sa GMA, ginawa nya sana yung marimar, kaya nga siya lumipat e, kasi masyado siya pinagod ng GMA hahaha GMA ang mukhang pera

Leave a Reply

Your email address will not be published.