Enchong Dee & Julia Montes: Right Love, Right Time

ENCHONG DEE

Real Name: Ernest Lorenzo Velasquez Dee

Birth Date: November 5, 1988

Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday

 

JULIA MONTES

Real Name: Mara Montes Schnittka

Birthdate: March 19, 1995

Zodiac Sign: Pisces

Symbol: The Fish

Ruling Planet: Neptune

Quality: Mutable

Element: Water

Basic Trait: I Believe

Closest Metal: Germanium and Strontium

Lucky Day: Thursday

 

PALABAS PA rin ngayon sa mga sinehan ang The Reunion ng Star Cinema. Dalawa sa mga artistang bida rito ay sina Enchong Dee at Julia Montes. Kahit pa sa iba ang kanilang kapares sa pelikula (Enchong-Jessy at Enrique-Julia), hindi naman maipagkakaila na in real-life ay silang dalawa diumano ang nagliligawan.

Bago pa man mag-umpisa ang shooting ng pelikula, usap-usapan na ang balak ni Enchong Dee na pormahan si Julia Montes. Dahil bata pa ito, hindi raw minamadali ng binata ang primetime princess. Hindi nga naman talaga dapat madaliin ang love life lalo na kung bumobongga ang karir, ‘di ba?

Given na kunwari p’wede nang um-oo si Julia sa lalaking gusto niya, magtatagal naman kaya kung sakaling kay Enchong niya ibibigay ang matamis niyang ‘YES’?

Ang Scorpio at Pisces ay parehong sensitibo lalo na sa aspetong emosyonal. Ang pagkakaiba lang ay madaling i-express ng Pisces ito, samantalang hirap ang Scorpio. Mahilig ang Scorpio na magpakita ng outer look na matapang ito kahit na deep inside ay gusto na nitong sumigaw at umiyak. Dahil sa kanilang similarities, madali nilang naiintindihan ang isa’t isa. Pareho rin silang intimate at maipapakita nila ito sa paraang alam nila.

Very opinionated ang Scorpio, habang halos walang pakialam naman sa mga negatibong bagay ang Pisces. Pero pagdating sa pag-ibig, ang pagkakaiba nila sa aspetong ito ay nagko-complement. Imbes na magkasiraan, ginagabayan nila ang isa’t isa. Dito gumagana ang kasabihang ‘opposites attract’.

Instant ang attraction sa pagitan ng Scorpio at Pisces. May chemistry na nga, with understanding pa! Ang kanilang relasyon ay natural na hindi na nila kailangan pang magsalita para makuha ang gustong iparating ng puso. Halos lahat ng sangkap sa ideal relationship ay present na rito. Ang kailangan lang nilang ayusin ay ang paminsan-minsan na possessiveness… Boom!

‘Yun naman, eh! Walang etchos, pero keribumbumbels na mag-work hanggang kasalan ang Enchong-Julia! Yebbah! Tuloy ang Ligaya!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.