Enchong Dee, idedemanda ang nagbalita ng ‘car accident issue’ ?!

MAY NAKARATING SA aming balita na isa raw kami sa idedemanda ng pamilya ni Enchong Dee matapos na ibalita namin at ilabas sa programang Paparazzi ng Channel 5 ang tungkol sa pagkakabangga ni Enchong sa isang nagngangalang Marlon.

Ayon pa sa pamilya ni Enchong, pinilit lang daw naming magsalita si Marlon na ikinataas ng aming kilay, dahil napanood ng milyong manonood ang interbyu kay Marlon ng Paparazzi, kung saan ay hinamon pa nito ang binatang “magpakalalaki” at harapin siya.

Wala kaming dapat katakutan sa nakaambang demanda dahil una at higit sa lahat, hindi namin pinilit magsalita si Marlon at hindi namin kasalanan kung “makuha” namin ang nasabing isyu na news blackout pala sa Channel 2.

MAINIT NA PINAG-UUSAPAN ngayon ang diumano’y pagkakalat ng tsismis ni Angelica Panganiban laban kay Claudine Barretto. Ayon sa usap-usapang showbiz na wala pa namang kumpirmadong detalye, si Claudine umano at ang best friend ni Derek Ramsay na si Martin Castro ay may relasyon daw.

Ang banggaan nina Angelica at Claudine ay posibleng humantong na sa korte dahil nagpahayag na si Claudine na hindi niya palalampasin ang nasabing isyu. Isa sa mga hiningian namin ng komento ay ang boyfriend ni Angelica na si Derek na tumangging magsalita at magbigay ng komento.

“Sorry ha? Pero ayokong mag-comment about that. It’s between them,” ‘yun lang ang naging pahayag ni Derek sa kanyang text message na ibinigay sa amin.

Sa kabilang banda, kumukulong parang lava sa galit ni Claudine kay Angelica, habang si Angelica ay tahimik lang at ayaw magbigay-komento hinggil sa usapin. Pero ang tanong, si Angelica nga ba ang source ng tsismis?

MATINDI ANG AWANG naramdaman namin kay Vida Verde nang puntahan namin ito sa Isabela, kung saan ay ibang-iba na ang aura nito kumpara noong mga panahong nagpapa-sexy pa ito. Marami nang sakit si Vida.

“May cancer ako sa matris, may sakit ako sa gallblader, hika, at may sakit din ako sa puso. Kung minsan nga, iniisip ko sanang mamatay na ako para wala na akong nararamdamang sakit sa katawan,” pahayag sa amin ni Vida, na nagsabi pang bukod sa kanyang sakit sa katawan ay matindi pa rin ang nararamdaman niyang sakit sa emosyon.

“May mga kapatid nga ako na dapat unang nakakaunawa sa akin, pero hindi. Sila pa itong hindi nakakaunawa sa aking kalagayan.”

Inamin ni Vida na siya ang caretaker ng kanilang bahay sa Isabela. Pero ang masakit, pinalalayas pa siya ng nakatatanda niyang kapatid.

“Noong buhay pa ang nanay ko, gusto kong mabuhay at pinaglalabanan ko talaga ang sakit ko. Pero ngayong patay na ang nanay ko, gusto ko na ring mawala sa mundo,” sabi pa ni Vida habang walang tigil sa kanyang pagluha.

Ayon kay Vida, marami siyang naging pagkukulang at nagawang kasalanan. “Ang moral lesson sa buhay ko, sana huwag kayong magda-drugs. At higit sa lahat, mahalin ninyo ang inyong mga kinikita huwag kayong gastos nang gastos. Tingnan n’yo ngayon ang buhay ko, walang-wala ako.”

May mensahe naman si Vida sa lahat ng mga taong nakakakilala sa kanya at dati niyang mga kaibigan: “Salamat na lang sa inyong lahat. Kung anuman ang naging pagkukulang at naging kasalanan ko ay sorry po,” pagwawakas ni Vida sa Pinoy Parazzi.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

10 thoughts on “Enchong Dee, idedemanda ang nagbalita ng ‘car accident issue’ ?!

  1. Pingback: ENCHONG DEE, IDEDEMANDA ANG NAGBALITA NG ‘CAR ACCIDENT ISSUE’ ?! « Forever&Always ENCHONG DEE

  2. Pingback: Enchong Dee • EnchongDeeWorld.COM • Your #1 source for Enchong Dee. » Enchong Dee, idedemanda ang nagbalita ng ‘car accident issue’?!

  3. tama..tama lang na idemanda ni enchong ang mga nagkakalat ng mga balita na WALA PANAMAN SILANG KUMPLETONG details sa mga nangyari…. magsamasama mga mukang pera kagaya ng marlon na un..

  4. Ituloy sana ni Enchong ang demanda. Idemanda rin sana ni Kris Aquino si Morly at Cristy Fermin. Hindi ba si Morly and nag tsismis na buntis si Kris Aquino? Morly, kagaya mo si Cristy Fermin, SINUNGALING. Matatalo kayo pag idinemanda kayo nang mga siniraan ninyo. THERE IS A LIBEL POSTED ON YOUR FOREHEAD. . .

  5. ireview nang maigi yung video ng supposed victim na naipalabas sa paparazzi. halatang tumitingin yung subject sa nagiinterview sa kanya, as if naghihintay ng cue.

    hindi ko pa naririnig ang panig ni enchong pero yun ang napansin ko nung pinapanood ko yung interview.

    ang dating sa akin, may malice yung pagkakasabi na “magpakalalaki ka.”

  6. Hay nako morly..isa k pang nhtak ng pera sa channel 5 …talaga as in milyon ..tlga lang huh ..

    ni hindi nga kayo pmsok sa ratings ng AGB nielsen at TNS ih..bka nmn gumwa rin kayo ng company ratings tuld ng 2…

    eh wla nga kayng advertisemnt kng meron man ..isa o 2 ..nako, mag sama sama kayong lht dyn sa bbgsk n rn na tv5…huha!!

    • natawa rin ako sa sinabi niyang milyon milyon tao ang nakapanood sa interview ng paparazzi show ng tv5 hahaha…. para silang high na iniisip madaming nanonood sa kanila

  7. kasi nga ang “juicy” at “paparazzi” eh mga shows na walang decency!

    hindi man napapanood ang mga shows ng network na ‘yan dito sa middle east eh maiintindihan mo na agad kung anong klaseng shows or hosts meron ang network na ‘yan kasi sa mga write ups pa lang eh alam mo agad na wala silang consideration instead eh paninira sa kapwa.

    artista man ang subject or pribadong tao eh kailangan pa rin ng respeto bilang tao.

    so, paano mo irerespeto ang mga hosts ng shows na ‘yan eh salita pa lang na lumalabas sa mismong bibig nila eh hindi karespe-respeto?

    para ma-gain mo ang respect ng public, kailangan manggaling mismo sa tao ang respeto na gustong makuha!

    eh kaso hindi naman ganoon ang nangyayari, para lang may maipalabas or maibigay sa tao or manonood eh kailangan ilabas or i-broadcast pa ang kasiraang puri ng kapwa.

    ano ang tawag ng KAPATID or TV5 network na ‘yan sa ginagawa ng hosts nila?

  8. halata naman sa pag interview nyo ke marlon( na naaksidente sa banggaan )e magsalita ng laban ke enchong,sana tinanong nyo fr the start panu ngyari yun…e para kcng iniinsinuate nyo na magalit un tao ke enchong,tinulungan na nga eh…sabagay kampon ka ni cursety fearmin,d kaya mgakapatid kau kc magkamukha kau morly alino.

Leave a Reply

Your email address will not be published.