Enchong Dee, hindi totoong bakla!

OLA CHIKKA! UNANG araw ng linggo kaya naman dapat ay magagandang balita ang ihatid ko sa inyo ngayon. Kung inyong natatandaan ay laging laman ng aking column at iba’t ibang tabloid  itong si Enchong Dee dahil sa napapabalitang bading daw siya. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking radio program na hindi naman talaga siya bading dahil wala akong naaamoy na malansa sa kanyang katauhan. ‘Ika nga nila, it takes one to know one, ‘di ba? Kaya kampante ako na hindi siya kabilang sa aming club. Sadyang napakalinis lamang niya sa katawan kaya naglabasan ang isyung ganu’n sa kanya.

Hindi naman masamang magdala ng make-up kit ang lalaki lalo na ‘yung conscious sa looks nila. Siyempre, artista sila kaya nararapat lamang na palagi silang malinis at guwapong tingnan.

Sa sobrang linis ni Enchong sa katawan, kitang-kita sa kagandahan ng kanyang kutis lalo na sa mukha at maging ang kanyang labi ay napakapula. Lahat ng ito ay sadyang natural na. Siya na yata ang pinakamalinis sa katawan na bagets ngayon dahil kahit walang make-up ay mukhang natural pa rin ang pagkaguwapo niya.

Kung totoo ngang bading itong si Enchong Dee, wala na talagang lalaki sa mundo. Say n’yo?!

MARAMI NAMAN ANG naloka sa balitang ituturo na sa eskuwelahan ang sex education, hindi lamang sa high school, kundi maging sa elementary na rin.

Marami ang tumutol ngunit marami rin namang sumang-ayon at karamihan sa mga showbiz people na nakausap ko ay pabor na pabor sila. Dahil sa panahon ngayon, lalo na at maraming mga kabataan ang nabubuntis, dahil hindi nila alam ang kapalit ng pakikipagtalik nang walang sapat na kaalaman tungkol dito. Hindi lamang maagang pagbubuntis maging ang mga sakit na maaari nilang makuha.

Maaari nilang simulan sa mga private part ng mga tao, tulad ng kahalagahan ng pagpapatuli mga simpleng bagay na dapat ipaunawa nang mabuti, hindi lamang sa mga kabataan, kundi maging sa mga nakatatanda na rin.

Bakit ba dumarami ang populasyon ng Pilipinas? Hindi ba ay may ilang mga pamilya riyan na walang trabaho at ang tanging ginagawang pampalipas-oras ay ang sex. Kaya hindi nakapagtatakang dumarami nang dumarami sila. Wala namang masama kung ituturo ang sex education, ngunit paalala sa mga guro at magulang na siguraduhing lubos na naiintindihan ng estudyante ang kanilang itinuturo upang hindi na umabot sa hindi magang resulta ang pagtuturong ito.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong actor na ito na nagbigay raw ng bagong sasakyan sa isang ex-housemate sa bahay ni Kuya na sinasabing dahilan ng paghihiwalay ng ex-housemate sa kanyang gf?

Ay, naku ha?! Mukhang hindi n’yo na kailangan ng clue sa mag-jowang naghiwalay dahil given na!

Sa mapagbigay na actor gusto, n’yo pa ba? Ay naku! Siya ang dreamboy ng lahat ng kababaihan! Ha-ha! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleKapalit ng pagtulong ni Noynoy Aquino: Sexy Star na Ex, pinagbawalang tsumika sa showbiz friends!
Next articleJolo Revilla at Melissa Ricks, one-month nang mag-on?!

No posts to display