Enchong Dee, ginagamit ni Sebastian Castro

Enchong-Dee-Sebastian-CastroANO BA itong si Sebastian (Seb) Castro? Alam naman niya at aminado siya na hindi siya ‘yong kapareha ni Enchong Dee sa sex video diumano nila ng aktor ay naki-ride on pa sa usapin gayong waley naman. Lalo pa’t inamin ng aktor na hindi niya kilala ang modelo na nag-out last year na sumikat sa underground music video na Bubbles.

Maging itong si Seb, aminado siya na hindi niya kilala si Enchong (and vise versa), bakit makikisakay siya sa popularidad ng aktor? Kung bakit gusto pang sakyan ang usapin at ayaw pa nitong diretsahin that it’s not him at hinintay pa ang Showbiz Police last Saturday na interbyuhin siya.

Sabi naman niya, it might be one of those encounters with his “ex-boyfriends” na baka nai-video without him knowing it. Very off sa amin para maki-ride on siya sa isyu at kahit saan mo man tingnan, ginagamit niya si Enchong para makilala at mapag-usapan siya.

I’ve met Seb personally sa EnPress event last year sa Teatrino sa Greenhills. He was decent. Mukhang intelihente, pero aminin man niya at ng manager niya (kung sino man siya) hindi na umusad ang career nito na palagi na lang naka-tag sa pangalan niya ang “gwapo na nag-out” at ‘yun lang. At wala naman akong alam na project niya na matino na nilabasan unless may gay film siya sa underground gay men and bisexual market.

Kawawa si Enchong aktor na palagi na lang natsi-tsismis na may gayong peg na until now walang makapagpatunay (video man o photo) kung ano man ang tinutukoy ng mga intrigero laban sa kanya.

Sebastian-Castro-Enchong-DeePangit namang sabihin na promo ng bago niyang teleseryeng You’re My Home sa Kapamilya Network, kung saan makakasama niya sina Richard Gomez at Dawn Zulueta na ipalalabas na rin very soon.

 

KUNG 20 years ago ay ipinalabas ang hit beki-serye na My Husband’s Lover, malamang sa hindi, semplang ito sa rating. Walang manood at baka abot ang protesta ng publiko lalo na ng mga babaeng nakasuot ng white and blue na abala sa kanilang gawaing simbahan sa bayan namin sa Nueva Ecija, kung hindi manang at walang asawa (mga matatandang dalagang tsismosa), sila ang numero unong reklamador ng mga pagbabago na nagaganap sa mundo.

Maging ang Super Sireyna ng Eat Bulaga (na dati-rati’y sa mga fiesta mo lang napapanood pampaaliw ang mga beking mujerista na nagli-lipsynch ng mga kanta ni Lala Aunor habang naghihintay ng taya bago paikutin ang larong roleta at kumekendeng-kendeng si Ateng. Ang layo na ng pagsulong ng mga LGBT sa makabagong panahon.

Salamat sa media at lumi-level up na rin ang mga konsepto na ipinalalabas sa telebisyon tungkol sa kabadingan at ka-tomboyan at dahan-dahang natatangap at naiintindihan ng Pinoy.

Kaya nga laking pasasalamat ng mga lesbian at transgender sa That’s My Tomboy segment ng It’s Showtime sa Kapamilya Network dahil dahan-dahan, nabubuksan ang kamalayan ng manonood, lalo na ang karamihang Pinoy na konserbatibo kung anong mundo meron ang mga lesbian, lesbo at T-bird.

I love Showtime for the effort na ipakilala nila ang puso ng mga tomboy na dati-rating kinakaasiwaan ng karamihan.

Ang Pinoy kasi, mas sanay makipaghalubilo sa mga beki kumpara sa mga lesbian na para sa kanila, masyadong brusko (imahe ng mga tatay o asawa na nambubugbog, lasenggo, babaero, at sugarol ang impresyon ng karamihan sa kanila).

Dahil sa telebisyon (tulad sa ipinalabas ng Kapamilya Network two Sundays ago sa Che Che Lazaro Presents na nagpapakilala kung ano ang LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender) para lalong maintindihan ito ng publiko.

Kudos to the people behind such shows at sa progressive moves nila na sa konting kakayahan nila at pamamaraan ay makilala ng mundo, lalo na ng mga Pinoy ang galing ng mga LGBT.

 

HAPPY TO learn na pumapalo sa rating game at nakikipagsabayan ang self-titled music CD ni Marion Aunor sa mga mabenta.

I love her “Fallen” video na napanood ko sa MYX recently na #14 na sa Pinoy Myx Countdown show.

I love Marion’s song. Kahit sabihin man na tunog Alice Keys siya; pakinggan mo nang maigi at alam mo na very Marion pa rin at siyang-siya lang ang boses na ‘yun.

I’m sure, happy si Ms. Lala (her mom) sa magandang nangyayari sa career ng anak. Congrats!

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

5 thoughts on “Enchong Dee, ginagamit ni Sebastian Castro

  1. nyahahahha tingnan na lang ninyo ang Picture na dalawang yan,,,hahahha….mababanaag mo ang Ka Bekihan sa kanilang dalawa,,,,nyahahahha

  2. Infairness nachachakahan akes kay Sebastian DaWho. Kamukha niya si Snooki ng Jersey Shore! Ganyan siguro talaga ang hilatsa ng mga may lahing Inca! hakhakhak!

  3. IT’S NOT SURPRISING KUNG ANU ANO NA LANG ANG LUMALABAS SA MGA TABLOID ABOUT THESE TWO BOYS. SILA RIN NAMANG MGA WRITER ANG NAG-IIMBENTO NG MGA KWENTO ABOUT THE TWO. KNOWING THAT MAJORITY OF WRITERS AY BAYOT, KAYA SA MGA STORY NA TULAD NITO, THEIR IMAGINATIONS WILL RUN WILD.

Leave a Reply

Your email address will not be published.