Enchong Dee, ‘di apektado ng pagkukumpara sa kanila ni Xian Lim

SA CAREER path na tinatahak nila as leading men of Kapamilya Network at sa magkalabang produkto na ineendorso nina Xian Lim at Enchong Dee, ‘di maiiwasang pagkum-parahin ang dalawang aktor.

Kauuwi lang sa bansa mula sa Star Magic tour kung saan mula sa Hawaii ay tumuloy pa ang grupo nina Enchong sa America for series of shows, sumang-ayon si Enchong na halos nagkakasabay at nagkakapareho ang mga ginagawa nila ni Xian, pero maganda ang samahan nila bilang magkaibigan sa kabila ng pagkukumpara sa kanila ng iba. Magkasama sa Star Magic tour at sa pelikulang The Reunion ng Star Cinema, ayon sa aktor ay rito makikita ng tao ang pagkakaibigan na nabuo sa mga artistang kasama niya sa pelikula kasama na nga si Xian.

Sa huling interview namin kay Julia Montes, inamin naman nito na tuluy-tuloy pa rin ang panliligaw sa kanya ni Enchong at natutuwa siya dahil naiintindihan nito ang sitwasyon niya. ‘Di naman idenenay ng aktor na tuloy pa rin talaga ang panunuyo niya sa aktres at nagka-bonding naman sila kahit papaano ni Julia nang magkasama sila sa Star Magic tour sa Hawaii.

Tinangkilik din nang husto ng publiko ang huling pagtatambal nila ni Erich Gonzales sa seryeng Maria la del Barrio sa kabila ng pag-amin nila na nagkaroon talaga sila ng problema ng aktres, pero nagawan ito ng paraan nang pagharapin sila ng produksyon at ayusin ang gusot nila ni Erich. Tinanong namin si Enchong kung sa kabila ng mga pangyayari ay bukas pa ba siyang makatrabaho sa susunod na mga proyekto ng ABS CBN. Pinaliwanag sa amin ng aktor na ang ganu’ng mga issues ay higit na nagpatatag at nagpalalim ng samahan nila ni Erich at kahit kailan ay hindi siya nagsasara ng pinto na makatrabaho muli ang dating kapareha.

 

KUNG HINDI man natuloy ang pelikulang pagtatambalan sana muli nina Derek Ramsay at Bea Alonzo under Star Cinema, isang pelikula naman ang sisimulan ng 2011 Box Office King. Ito ay ang Nothing Compares To You under Viva Films, kung saan makakapareha niya sina Anne Curtis at KC Concepcion.

Walang sama ng loob sa Star Cinema na inalis na siya sa pelikulang ito at nirerespeto ang desisyon ng management ng film outfit, nanghihinayang lang si Derek na ‘di natuloy ang pagtatambal nila muli ni Bea na isa sa mahuhusay na aktres natin sa kasalukuyan at ang pakikipagtrabaho niya sana sa isa sa pinakamahusay na direktor ng bansa, si Direk Olivia Lamasan.

Excited naman sa pagtatambal nilang muli ni Anne Curtis na siya namang tinanghal as 2011 Box-Office Queen dahil sa tagumpay ng pelikula nilang No Other Woman at challenge naman para kay Derek na may mabuong chemistry sa kanila ni KC na first time niyang makakatrabaho on big screen.

‘Di mapaliwanag ang kaligayahan sa pagkakahirang as 2011 Box-Office King dahil sa laki ng kinita ng No Other Woman at Praybeyt Benjamin, natawa kami sa sinabi sa amin ni Derek na sana ay ‘di siya ma-mental block once na tinawag na ang pangalan niya dahil sa excitement at kaba sa karangalan na ipagkakaloob sa kanya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

7 thoughts on “Enchong Dee, ‘di apektado ng pagkukumpara sa kanila ni Xian Lim

  1. Pingback: Enchong Dee, ‘di apektado ng pagkukumpara sa kanila ni Xian Lim | Celebrity Philippines

  2. @tanya t. amod – WALA KAMING PAKI KUNG SINO ANG BET MO EH PAREHONG BADAF YAN EH…………….BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA…………………

Leave a Reply

Your email address will not be published.