Enchong Dee: champion swimmer, talented actor, and a man with a big heart

HANGA AKO SA mga artistang kayang pagsabayin ang kanilang pag-aaral at showbiz career. Hindi biro ang makapagtapos ng pag-aaral dahil sa kanilang kaliwa’t kanang pro-jects sa showbiz gaya ng tapings, shootings, pro-duct endorsements, provincial tours, mall shows, at concerts abroad. Isa sa mga teen stars na ito ay si Enchong Dee who I have met when he was maybe 13 years old. Enchong is AJ Dee’s younger brother. Enchong has proven that he is not only a champion swimmer but also a talented young actor. 

Malayo na rin ang narating ni Enchong simula nang siya ay sumabak sa mundo ng showbiz. Naaalala ko pa nang maging guest ko siya sa Home Boy which was his first television appearance in 2006.

Despite his haywire schedule ay nagawa pa rin niyang makapagtapos ng kanyang Bachelor of Arts in Developmental Studies degree sa De La Salle University in a span of three years. He was also part of the Philippine national swimming team and has participated in the SEA Games and 2006 Asian Games.

Mike Advincula, a MYX VJ and swimming teammate of Enchong at DLSU said, “Matalino si Enchong kasi Dean’s Lister siya ever since. Pretty amazing talaga iyang tao na iyan. Even though busy siya not only with school but acting career niya, parati pa siyang nandoon sa training namin. These are the traits na puwedeng i-idolize ng mga swimmers.”

Mabait si Enchong sa kanyang kapwa kaya naman patuloy ang pagdating ng mga blessings sa kanya. Matulungin daw siya sa kanilang pamilya sabi ni AJ at ‘di na kailangan pang pilitin o pakiusapan.

Enchong is active in various charitable institutions like Manila Boys Town Complex. “Ako ay nagpapasalamat muna sa ating Panginoon dahil siguro instrumento si Enchong para makapagbigay ng tulong sa amin dito sa loob ng Manila Boys Town Complex lalung-lalo na sa Boys Home Unit,” sabi ni Ms. Cita Riomalos, tagapamahala ng Manila Boys Town Complex. Incidentally, Enchong starred on Your Song Presents: Boystown where he played Arnel who has an exceptional swimming skill.

Mapapanood ngayon si Enchong sa primetime teleseryeng Maria La Del Barrio opposite Erich Gonzales. The series is a remake of the hit Mexican drama which starred Thalia as Maria Hernandez and Fernando Colunga as Luis Fernando de la Vega. Sa series, si Maria (Erich) ay isang inosenteng dalaga na nangangarap sa kanyang Prince Charming. Nang makita niya si Luis Fernando (Enchong) ay inakala niyang natagpuan na niya ang lalaking kanyang pinapangarap.

After playing Jojo in Katorse, Jomari in Tanging Yaman, and Caloy in Magkaribal ay isa na namang bagong imahe ang ipapakita ni Enchong sa Maria La Del Barrio bilang si Luis Fernando. Medyo seksi at mapang-akit ang kuha nina Enchong at Erich sa billboard ng Maria La Del Barrio, does it mean they will bare some skin in the series? Abangan natin.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Enchong Dee: champion swimmer, talented actor, and a man with a big heart

  1. mmmp kea nga mga teh…….//”\][[ ..natural lng sa mga lalaki yang mag pa torpe kase gayz…..///,,dume diskarte cla f panu manligaw see///\’\\\\\\…, niligwan nga nya ci kim e ….noon pero as a frend nlng daw kase cla mmmmp////,,,career mona daw b4 boyfrend sna gnon kau jejejejejjejejejrjej kase gnon ako;’./;/jajajajaj tnx 2 read evry1 gayz/,/,/..\]

  2. HOY, LALAKE SI ENCHONG NUNG ISINILANG YUN NGA LANG NA REALIZE NIYA NA MAS MAGANDA PALA SIYA KAY ERICH!!!!!!!!!!!!!!!!!!PERO LALAKE SIYA HA……….HAHAHAHA

  3. Enchong Dee: champion swimmer, talented actor, and a man with a big heart… sa ibaba kaya boy? anu sa tingin mo… binitin mo kc. baklang kalbo kah!

  4. suuuuuuuuuuuuuppppppppppeeeeeeerrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!!!i LOVE him sooooo much!he’s a perfect BOYFRIEND FOR ME!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.