Enchong Dee, balak mag-masteral

NAKAUSAP NAMIN si Enchong Dee sa isang event at masaya niyang ibinalita na pupunta siya sa Europe para sa shows na handog ng TFC sa ating mga kababayan. Ito na rin daw ang magsisilbi niyang bakasyon after ng mahaba-habang pagta-trabaho at pagbalik naman daw niya ay sabak naman kaagad siya sa taping ng bago niyang serye.

Ngayon namang magpapasukan na at naka-graduate na siya ng college noon, may balak naman daw siyang kumuha ng master’s degree. Totoo kaya ito? “‘Yung masteral, ‘yung ganu’n kasi, matinding paghahanda kapag ipagpatuloy ‘yung ganu’ng pag-aaral so, hindi muna siguro. Isa sa mga plano ko ‘yun. Pero sa ngayon, huwag muna, kasi kapag masteral kasi, kapag may mababa kang grade hindi mo na puwedeng bawiin ‘yun. So, sabi ko, kapag mag-masteral ako, dapat naka-concentrate ako du’n.”

“Ngayon hindi ko pa kayang maibuhos ang oras ko.”

 

NAKAUSAP NAMIN si Aga Muhlach bago pa man siya tumulak papuntang Los Angeles noong nakaraang Linggo, kung saan bahagi siya ng bonggang launching ng TV5 International. Ayon sa kanya, masaya siyang nakasama sa naturang launch dahil gusto rin niyang makasama ang mga kababayan natin sa Amerika.

Kuwento naman ni Aga tungkol sa balak nitong pagtakbo sa Bicol, “Yes, masayang-masaya rin ako na nakaka-bonding ko sila. Maraming, maraming salamat sa kanilang lahat.

“Alam na naman nila sa Bicol kung ano talaga ‘yung tatakbuhan ko, malayo pa naman ang pagpaparehistro, sa October pa ‘yan. Hindi governor ang tatakbuhan ko. We are all set, du’n na ako tumitira talaga, and uuwi lang ako kapag may trabaho ako. Ang saya talaga.

“I’m ready for anything, nakikita ko naman na ‘pag pumupunta ako du’n masayang-masaya sila, ito talaga ang gusto ko ang pagtulong sa tao.”

Pag-amin ni Aga tungkol sa posisyong tatakbuhan, “‘Yung posisyon is I’m really targeting congress talaga.”

 

INVITED KAMI sa Unica Hija fashion show noong lingo at tampok sa nasabing fashion show ang mga bagong disenyo ng nasabing fashion line. Kasama sa mga rumampa ang mga supermodel of the world na sina Danica Magpantay at Charo Ronquillo at siyempre ang modelo nitong si Sarah Geronimo.

Unang lumabas sa stage si Sarah kung saan naghiyawan agad ang mga taong nasa Atrium ng Mall Of Asia. Unang rampa pa lang ni Sarah ay kitang-kita na ang pagiging confident nito sa pagmomodelo sa catwalk.

Batid naming siya lang talaga ang inaaba-ngan ng mga tao bukod sa mga magagandang damit. Kasi kapag lumalabas na siya ng stage ay sigawan ang mga tao. Sa bawat rampa niya ay talagang gumagawa ng eksena si Sarah na tinitilian at pinalakpakan naman ng mga tao. May landi pero with grace ang kanyang pagrampa.

Pagkatapos ng fashion show ay kinuyog naman ng mga tagahanga ang backstage, kung saan nahirapang lumabas si Sarah, kaya naman itinakbo na siya sa exit kaya walang naka-interview sa kanya mula sa members ng media.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “Enchong Dee, balak mag-masteral

  1. Mukhang sinadya ng author na gamitin ang salitang mastera para roon sa mga marurumi ang isip. Bakit hindi na lang niya sinabing balak mag-masters ni Enchong. Marunong naman tayong lahat na mag-English. Kakasuka ang writer na ito, Pansin ko lang sa writer, kahawig ng komediyanteng si Pooh ng Banana Split.

  2. Pingback: Enchong Dee, balak mag-masteral | Celebrity Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published.