Enchong Dee, ayaw nang dugtungan ang naudlot na relasyon kay Julia Montes

SA PAKIKIPAG-USAP namin kay Enchong Dee sa set visit ng seryeng Muling Buksan ang Puso sa Laiya, Batangas, napag-usapan namin ng aktor na kung papasok siya sa pakikipagrelasyon ay isang non-showbiz girlfriend ang gusto niyang maging kasintahan.

Ayon kay Enchong, gusto niya ng privacy na kahit anong piga sa kanya ay misteryo pa rin, dahil nga hindi taga-showbiz  ang magiging girlfriend at para iwas na rin sa mga isyu. Sa dami nga naman ng pinagdaanang intriga ng naudlot na relasyon nina Enchong at ni Julia Montes, ‘di masisisi kung ito man ang maging desisyon ng aktor.

Sa nakaraang interviews namin kay Enchong, consistent ang aktor sa pagsasabing sa ngayon ay ‘di niya nakikita ang sarili na dugtungan ang espesyal na namagitan sa kanila ni Julia. Nang tanungin namin tungkol dito, ipinaliwanag naman sa amin ng aktor na masaya sila sa pagkakaibigan nila ng kapareha na muntik nang masira, mawala at mabuti na lang na naibalik at nabigyan uli ng pangalawang pagkakataon.

Sa ngayon ay nagde-date, pero sa dami ng mga trabaho ay wala pang oras sa pakikipagrelasyon, naniniwala naman si Enchong na hindi ito minamadali dahil darating naman ang tamang tao para sa kanya kahit ‘di niya hinahanap.

Para kay Enchong sa lahat ng roles na nagampanan niya sa mga serye at pelikulang nagawa, ang role niya bilang Leonel sa Muling Buksan Ang Puso ang pinaka-challenging na role na gagawin niya dahil may pagka-dark ang character niya rito at ‘di gaya sa mga tipikal na roles na nagampanan na niya, nakita ni Enchong ang buting idinulot kina Coco Martin at Paulo Avelino nang gampanan ng mga ito ang mga dark characters sa Tayong Dalawa at Walang Hanggan na nagpakilala lalo sa husay ng mga ito bilang mga tunay na aktor.

Hindi lang humahataw sa serye kundi maging sa pelikula, balitang patuloy na pinipilahan ang Four Sisters and A Wedding sa mga sinehan at kasama rin sa pelikulang Tuhog si Enchong.

BUKOD SA klinaro sa amin ni Mac Merla, isa sa staff ng Star Cinema na hindi naungusan ng pelikulang It takes a Man And A Woman ang pelikulang Sisterakas bilang Highest Grossing Filipino Film of All Time, nakausap din namin kamakailan si Direk Wenn Deramas, direktor ng Sisterakas, kung saan ayon sa Box-Office Director ay mismong ang Star Cinema at Viva Films na ang nag-clarify na hindi pa rin nahihigitan ang Sisterakas ng anumang pelikula.

Ayon kay Direk Wenn, wala namang problema kung mangyari man ito dahil pelikula din naman ng Viva at Star Cinema ang It Takes A Man And a Woman, at lahat din naman ng pelikula ni Direk Cathy Garcia-Molina ay talaga namang box-office din. Darating din naman ang panahon na alam ni Direk Wenn na may makatatalo at makadadaig sa Sisterakas at ang ideya nga lang na mag-no.1 ang pelikula mo kahit isang beses ay isang bagay na dapat ay sobra mo nang ipagpasalamat.

Pasok sa Metro Manila Film Festival 2013 ang pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na pagbibidahan nina Vice Ganda at Maricel Soriano sa ilalim ng direksyon ni Direk Wenn, pang-apat na itong entries ni Direk Wenn sa MMFF na halos lahat ng mga ito ay nag-top sa takilya.

Katatapos lang gawin ang pelikulang Oh, My Mama Mia! na pinagbibidahan nina Maricel at Eugene Domingo, sinisimulan na ring gawin ni Direk Wenn ang pelikulang Bekikang na pagbibidahan ni Joey Paras. Magsisimula na rin siya sa seryeng Galema sa Kapamilya Network at isang pelikula na pagbibidahan naman ni Claudine Barretto sa Viva Films ang nakalinya ring gawin ng Box-Office Director.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

21 thoughts on “Enchong Dee, ayaw nang dugtungan ang naudlot na relasyon kay Julia Montes

  1. Talagang matindi ang pag nanais ng mga PR ng abs cbn, kahit kasinungalingang Press release nila pilit na sinisiksik sa kaisipan ng mga tao, may maniniwala pa ba na tunay na lalaki si Enchong

  2. From now on, i will stop reading PEP and Fashion Pulis on the web. Both of them are irresponsible. Fashion pulis posted an article from an anonymous sender claiming that kim chiu was an ungrateful and an unforgiving daughter and did not provide financial support to her mother while she was sick. We all know that these were all lies. The Fashion pulis column of mike sy lim did not investigate the claims on the letter before posting its contents. This was irresponsible journalism. Since the fashion pulis would not post my critique on his column, i decided to bring this up on PEP. PEP removed my two comments within a minute which infringed on my free speech right. Both PEP and Fashion pulis are in cahoot about this issue. I do not know if they are owned by the same company or the Fashion pulis mike sy lim has a strong connection with PEP that they decided to delete my comments asking bloggers to stop reading the Fashion pulis website. Now i have to include PEP also. I hope you guys will not do what PEP did. Can you make an article about this? Both PEP anf Fashion pulis need to know that free speech is protected under the law and there was no profanity in my comments. It was just asking bloggers to boycott the Fashion Pulis because of the article that he posted without investigating it first. Thank you.

    • Alam mo para kang sira ulo, kung may Reklamo ka sa Pep at Fashion Pulis, mag sumbong ka sa barangay, GAGA, huwag dito, tingin mo ba sa ngayon may rseponsableng journalist pa ba, lalo na ang mga Showbiz writers, Showbiz itom gaga, talagang siraan dito,

      • baka naman kasi sobrang idol nito si kim, kaya nanawagan, kung ako sa fan na ito, huwag niyang basahin ang pep, lalo na ang fashion pulis, napaka simple lang ng problema nito,  

  3. Enchong wag ka na naman gumaya kay PIOLA PASCUAL nanggamit ng tao para umangat sana pa ang career nya kaya lang semplang pa rin.. diba ginamit nya si KC.? Matakot kayo mga bakla kayo may karma kaya yan..

  4. NAKO NAMAN!!! PANO MANGYAYAYARI YUN E BAKLA SI ENCHONG E. DAPAT SILA NLNG MAGKATULUYAN NI ENRIQUE. PAREHAS LNG NMN SILA. SUSUPORTAHAN KO PA LOVE TEAM NILA. 

  5. HAHAHAHA DYUSKO PWEDE BA ITIGIL NA ANG KABALIWANG PAGTATAMBAL KINA JULIA AT ENCHANG UTANG NA LOOB!!! HAHAHAHAHHA!

  6. Talagang huwag na dahil ginagamit mo lang sya para itago ang kabadingan mo hellooo kala mo naman may naniniwala na naging kayo ask the moon

Leave a Reply

Your email address will not be published.