Enchong Dee, ayaw na sa girlfriend na taga-showbiz

Enchong-DeeKUNG SI Enrique Gil, kahit sino ang maging girlfriend nito basta mahal niya, okay lang. Iba naman ang gustong maka-relasyon ngayon ni Enchong Dee. Hindi taga-showiz para raw may privacy ang kanyang lovelife. Ayaw niyang pinag-uusapan ang kanilang love affair if ever magka-syota siya. Kasi raw hindi maiiwasang maintriga kung kapwa niya artista ang maging girlfriend niya.

Hindi kaya na-trauma si Enchong noong ligawan niya o naging dyowa si Julia Montes. Naging vocal ang binata sa totoong nararamdaman niya sa young actress. Seryoso ang ginawa nitong panliligaw, naghintay ng ilang taon hanggang mag- eighteen si Julia. Pormal na umaakyat ng ligaw kaya’t naging malapit sa buong pamilya ng dalaga. Pero naintriga ang kanilang relationship, humantong sa hindi pagkakaunawaan. Naputol ang maganda nilang samahan, wala yatang closure ang kanilang relationship.

Nagtataka lang kami kung bakit biglang nawalan na ng gana si Enchong kay Julia. Hindi malinaw kung ano talaga ang naging dahilan kung bakit naudlot ang kanilang relationship. Siyempre, hindi na sasabihin nina Enchong at Julia ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay. Move on, ‘ika nga ni Enchong. Tapos na raw, huwag nang balikan pa.

So, this time, kung magkaka-dyowa si Enchong sisiguruhin niya hindi kapwa artista ang makakarelasyon nito. Hindi nga naman sila pagpi-piyestahan ng media kung sakaling hindi click ang kanilang love relationship. Walang intriga, may privacy ang kanyang personal life. Tulad ni Enrique, happy si Enchong sa pagiging single. Libre siyang gawin ang bawa’t naisin na walang nagbabawal sa kanya.

Kung sakaling dumating si Dream Girl sa buhay ni Enchong, masuwerte ang babaeng ito. Ibang klase kung magmahal ang binata, hindi lang sa salita pati sa gawa. Ipapakita at ipararamdam sa ‘yo kung gaano ka niya kamahal tulad ng ginawa nito kay Julia.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Enchong Dee, ayaw na sa girlfriend na taga-showbiz

  1. Sir reporter di nyo po ba alam na bakla si Enchong Dee … If you are part of his circle of friends which is not from showbiz di nyo isusulat itong article na to kasi alam nyo na magmumukha lang kayong tanga… ladlad na sya sa mga close friends nya… ang tawag nila kay Enchong is Sofia….

  2. nyahahahhahaha korek ang hina ng pang amoy ng kalbong yan…..papanong magkaka GF ang Baklitang yan lalaki ang ; hanap” ng Enchong na yan,,hahahaha nagkakalat na yan sa dressing room ng katol nang boboso sa mga lalaking kapwa niya taga katol hahahahha inaamoy pa raw ang brief hahahah na reklamo na yan sa management,,binosohan ang isang young aktor sa dressing room bwahahaha ang mga Bakla talaga””yucky”

  3. ano ba eddile littlefield. para namang di ka bading para di maamoy ang lansa ni enchang. hahaha. boyfriend hanap nya di girlfriend sa showbiz. Pwede cla nalang dalawa ni enrique gi sanay naman cyang makipagrelasyon sa bading. wag lang c Xian baka mag agawan cla ng panty at bra.

Leave a Reply

Your email address will not be published.