Enchong Dee, atat nang maghubad sa pelikula!

UNANG NAKI-LALA si Enchong Dee sa kanyang swimming career sa De La Salle University bago siya pumasok sa showbiz. Nakasama ang binata sa Philippine National Swimming Team at lumahok sa SEA Games at 2006 Asian Games. Malaki ang paniniwala ni Enchong sa tinatawag na Optimal Health na siyang itinuturing na “The Heart of the Nutrilite” kaya hindi nagdalawang-isip ang actor na maging endorser ng nasabing  health brand.

As an actor, nangangarap din si Enchong Dee na makagawa ng indie film kahit alam niyang barya lang ang TF na ibabayad sa kanya. Gusto rin niyang makilala sa international market. “Kasi, kakaibang experience ‘yung indie film. Unang-una, marami kang matututunan. Pangalawa, it’s a different environment. Pangatlo, ‘yung mga bagong filmmakers natin na sobrang passionate. Mayroon kasi silang drive na sila lang ang makakagawa so, I want to work with them,” say ni Enchong.

Inamin ni Enchong na ready na siya to do sexy role at magpakita ng butt. “Kung magiging box-office naman, ready ako! Pangarap ko rin namang magkaroon ng box-office. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na alam ko namang ganoon kaganda ‘yung project, game ako! May naisip na nga ako na gusto kong i-suggest sa kanila na kung papaano ako magbe-venture into sexy role, kaya lang siguro bibigyan pa muna nila ako ng pagkakataon. Sana kasi, hanggang kailan tayo magiging bata, ‘di ba? Hanggang kailan ba tayo puwedeng maghubad nang ganito?” Diretsong sabi ng actor na hindi umiinom ng alak at hindi naninigarilyo. Clean living, ‘ika nga.

Pinantasya pala ni Enchong na maka-love scene si Anne Curtis. “Aside kay Anne, someone older para kakaiba naman, parang ‘yung ‘The Rebound’ ‘yung kay Catherine Zeta-Jones. Parang ganoon, maganda ang istorya at the sametime hindi siya super sexy. Wish ko, one day magkaroon ako ng ganu’ng klaseng pelikula with Gretchen Barretto.”

As a person, likas kay Enchong ang pagiging mabait at hard-working. Willing ba siyang gumawa ng indie film na opposite sa image na pino-portray niya sa telebisyon at pelikula? Malaking challenge ‘yun para sa kanya as an actor. Tina-nong rin namin ang binata kung sino ngayon ang sinasabi niyang inspiration. “Huwag muna ngayon, basta ang masasabi ko masaya ako ngayon not necessary you have your girl and having a relationship. Basta ‘yung inspirasyon na uuwi kang masaya ka, ‘yung mga ganu’n,” turan niya.

Si Julia Montes kaya ang tinutukoy niyang nagpapasaya ngayon sa Tsinitong actor? “Hindi ko masasabi kung siya, eh. Close kami, we’re happy,  hindi lang kami nagkikita for awhile. Siguro kapag eighteen na siya… sinabi ko naman sa kanya, crush ko siya.”

Kung sakaling dumating ang time na maging sila ni Julia, first girlfriend ni Enchong ang dalaga sa showbiz . Ikinuwento rin ng actor na naka-dalawang girlfriend na siya. “One sa swimming, one nu’ng college. Siguro kung dati natuloy (Julia), mahaba-haba na ngayon, bata pa siya. Wala pa naman, kapag mayroon na, we’re willing to open naman,” pahayag niya.

Minsan nasabi ni Enchong na gusto muna niyang magdalaga si Julia bago nito ligawan. “Crush, there’s admiration hindi mo naman maaano ‘yun, ‘di ba ?”

Kinumusta din namin kung anong relationship  mayroon sila ni Erich Gonzales? “Kaibigan lang talaga ‘yung kay Erich. Noong start, mayroon naman siyempre, hindi mo maiaalis ‘yun. Pero along the way, kailangan mong iangat ‘yung professionalism. Hindi naman sa nawala, mas gusto lang naming magtrabaho at maging magkaibigan.”

Hindi kaya maraming na-discover si Enchong kay Erich kaya nawala ang feelings nito sa dalaga? “Hindi naman siguro ideal, pero mas na-build-up ‘yung magkapatid or pagiging magkaibigan. Someone you can trust, someone you can lean on.”

Birthday pala ni Enchong Dee this coming November 5, anong wish niya? “Wish ko talagang mag-skydive pero hindi ko alam kung matutuloy. Kasi, once in a lifetime experience ‘yun. Kapag hindi ako pinayagan ng mga tao sa paligid ko, siguro ‘yung sa Subic, langoy with the dolphin,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “Enchong Dee, atat nang maghubad sa pelikula!

  1. Calling the attention of ABS-CBN Management, pagbigyan nyo na wish ni ateng Enchong, atat na atat na oh! If i know gusto ng maghubad ni ateng pra matakpan ang isyong GAY sya pro hindi! :p
    Teka lang bat inulit ung last 4 paragraphs? nabasa ko na yan October 24, 2011 article! http://www.pinoyparazzi.com/magkaroon-lang-ng-blockbuster-movie-enchong-dee-willing-maghubad/ — paulit-ulit lang? bat ba kasi pilit na inuugnay si ate Enchong kay Erich? wala ibang write-ups about him? Si Julia nalang e ugnay nyo kay ate Enchong kasi sya nman nililigawan eh, not Erich! and in the first place its Enchong’s gusto na break muna loveteam nila ni Erich.. Tapos na!!! E pray nyo na maghubad na sa movie si Enchong pra may bago kayo write ups about him di ung paulit-ulit! sa ma post to para masabi kong tumatanggap kau ng opinions ng madla.

Leave a Reply

Your email address will not be published.