Enchong Dee at Julia Montes, pinaiyak ni Janice de Belen!

PINAIYAK PALA ni Janice de Belen sina Enchong Dee at Julia Montes pagkatapos ng presscon ng The Strangers.
Alam mo ba ‘to, ‘Dan? ‘Di ba, nandu’n ka? Actually, nag-alisan na ang mga reporter nu’ng mangyari ‘yon.
Iniinterbyu ni Janice ang dalawa para sa Showbiz Inside Report hanggang sa me naitanong si Janice dahilan para parehong umiyak sina Julia at Enchong.
Alam na namin kumbakit, pero mas magandang mapanood n’yo na lang nang buo this Saturday ang segment nina Enchong at Julia.
Pagbaba ng hagdan, pagkita sa amin ni Julia at itanong namin sa kanya, “Hay, nako, kuya… ewan ko ba?”
At sobrang higpit naman ng yakap namin ke Enchong (na me half malice, charot!) tinanong na namin siya kumbakit, “Si Tita (Janice) kasi, eh!”
Abangan n’yo na lang sa Sabado kumbaket nagkaiyakan sina Julia at Enchong.
Feeling namin, mukha ngang me feeling sila sa isa’t isa pero me umaawat lang.
Hay nako, Enchong, kung hindi talaga p’wede si Julia, kaya naman kitang saluhin.
Charaught!

ME MGA nagtatanong din sa amin kumba’t hindi kami nag-iinterbyu para sa Showbiz Inside Report.
Actually, hindi naman para magreklamo pa kami.
Actually kami pa nga ang nagsa-suggest na sina Janice, Joey Marquez at Carmina Villarroel ang dapat na mag-interview dahil siyempre, reporter pa rin ang tingin sa amin ng mga artista at kahit hindi naman kami mang-iintriga, nandu’n pa rin ang takot ng iba na baka meron kaming biglang itanong. Hahaha!
We want them to feel relaxed, kaya du’n na lang kami sa live telecast bumabawi ng aming “kagagahan”.
Pero ang nakakatuwa sa SIR, kaming apat, parang magkakapatid ang turingan. Walang ilangan, walang hiyaan at lutang na lutang ang pagmamahalan.

BAKA ‘PAG nawalan kami ng trabaho, mag-apply na lang kaming yaya ni Josh o ni Bimbi.
Eh, pa’no naman kasi, si Yaya Anna ni Josh na for 17 years, binigyan ni Mareng Kris ng separation pay.
Alam n’yo kung magkano? Ayaw ipasabi ni Kris pero ginaya raw niya ang ABS-CBN sa pagkukuwenta.
Salary x number of years of service x 3. Nakakalokah, ‘di ba?
Buti na lang at hindi pa senador si Kris dahil ‘pag nagkataon, baka siya ang gumawa ng Kasambahay Bill na si Sen. Jinggoy ang author.
Hahahaha!
In fairness, noon pa naman generous si Kris sa mga tauhan kaya sabi namin sa kanya sa twitter, sana tularan din siya ng lahat ng sikat na artista.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

5 thoughts on “Enchong Dee at Julia Montes, pinaiyak ni Janice de Belen!

  1. move on julia!! stay happy always marami ka pang makikita na lalaki na higit pa sa knya. madami kng admirers. kc napaganda, sexy, at mabait ka inside and out. alam ng Diyos yan kya you deserves that all the blessings that you have.. nandyan pa ang family, friends, mga fans mo at si LORD na nagmmhal sa iyo. d me fan mo pero napabilib ako sa acting skills mo. galing mo maraming nakakamiss sa iyo sa primetime bida. sana matuloy na ang teleserye nyo ni paulo by next year 2013. God bless you always and your family..just ignore the haters dahil gnyan tlga ang buhay sikat madaming bitter. d lng nman ikaw ang may haters eh mski sa ibang artista din. kya stay kind, humble always JULIA kya mo yan..AJA! AJA! AJA! FIGHT FIGHT LNG KC CONCEPCION. HEHEHE

    • AYYY WALA PALANG ALAM ITO, HINDI NA KAILANGAN MAGHANAP PA NG LALAKI SI JULIA, MAY PAPANG T.V. EXECUTIVE NA SIYA, YANG PAG TAMBAL NIYA KAY ENCHONG, GIMIK LANG YAN, EH MAS MALANDI PA SI ENCHONG, KAYSA SA KANYA, YAHAHAHHAHA, LALAKI ANG HANAP NI ENCHONG, NAIINTINDIHAN MO BA AKO, 

Leave a Reply

Your email address will not be published.