Enchong Dee at Erich Gonzales, may malalim na inis sa isa’t isa?!

‘DI ITINAGO sa amin ni Enchong na paminsan-minsan ay may nagiging tampuhan sila ni Erich Gonzales, pero taliwas ito sa mga lumalabas na kuwento na matitindi ang mga ito at hindi kayang resolbahan. Naging laman kasi ng mga balita na sweet lang daw ‘pag sa harap ng camera at may mga eksenang kinukunan, pero ‘pag sumigaw na raw ng cut ng director ay kani-kaniya ng alis at mararamdaman mo na may malalim daw na inis sa isa’t isa, ayon kay Enchong ay may bitter part, sweet part at nakatatawang parte ang samahan nila ng kapareha kaya nga siguro nagiging makulay ito.

Naghamon si Enchong sa mga naglabas ng balita na puntahan sila sa taping ng Maria La Del Barrio para makita na walang katotohanan ang mga lumabas na balita, para sa aktor kung may higit mang makakaintindi kay Erich, siya ‘yun at vice-versa dahil sila ang pinakamatagal na magkatrabaho sa set ng Maria La Del Barrio.

Bukas sa pag-amin na may malalim na paghanga kay Julia Montes at kahit nga mag-deny na hindi pa sila ay consistent ang paglabas ng mga balita na ayaw lang umamin ng dalawa, agad naming tinanong si Enchong kungdi ba siya nakakaramdam ng selos sa pagtatambal nila Coco Martin at Julia sa Walang Hanggan, kung saan na-link dati ang dalawa, pinaliwanag sa amin ng young actor na wala siyang selos na nararamdaman kungdi saya nga para sa dalawa dahil nabigyan ng magandang proyekto ang dalawa.

Ikinuwento sa amin ni Enchong na parang kapatid ang turing niya kay Coco na naging malapit sa kanya nang magkatrabaho sila sa pelikulang Sa Iyo Lamang. Nagsabi ang aktor kay Enchong na ‘pag gusto nitong gumawa ng indie film, kung saan unang nakilala si Coco, ay sabihin lamang sa kanya para matulungan siyang humanap ng dapat niyang gawin.

Isang pelikula rin ang gagawin under Star Cinema, kung saan makakasama niya sina Kean Cipriano, Xian Lim at Enrique Gil, excited na gawin ni Enchong ang nasabing pelikula dahil bukod sa mga kaibigan niya ang tatlo ay wala rin siyang ginawang pelikula noong 2011. Nagustuhan din ang script ng nasabing pelikula kung saan tumatalakay ito sa barkadahan, sa musika na ‘di ganu’n kabigat ang tema gaya ng ginagawa niyang mga serye gaya ng Maria La Del Barrio.

 

SA PRESSCON ng Mundo Man Ay Magunaw na mapapanood  na sa darating na January 30, inamin sa amin ni Tessie Tomas na bukas siya uling gumawa ng mga talk shows kung saan siya mas higit na nakilala at minahal ng publiko.

Ilan mang taon na ang lumipas ay tumatak pa rin sa isip ng mga manonood ang Teysi ng Tahanan kung saan nabigyan siya ng titulo as Original Queen of Daytime TV. Maaaring isang talk show or kahit isang game show para sa mga Nanay  ang gusto sanang gawin ni Ms. Tessie, pero sa ngayon ay malabo pa itong mangyari dahil per project basis lang ang mahusay na TV host/actress lalo’t pukpukan ang taping ng Mundo Man Ay Magunaw, kung saan kontrabida ang kanyang role na magpapahirap nang husto sa buhay ni Eula Valdes at ng mga taong malalapit dito sa istorya.

Kasama sina Empress, Ejay Falcon, Allan Paule, Dianne Medina, Eula Valdes, Nikki Gil, ang baguhang si Alex Castro, puring-puri ni Ms. Tessie ang propesyonalismo at husay na nakikita niya sa mga kabataang artista natin ngayon na kasama niya sa nasabing serye ng Kapamilya Network.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

14 thoughts on “Enchong Dee at Erich Gonzales, may malalim na inis sa isa’t isa?!

  1. Pansin ko lang yumabang na si enchong. dati, ang dami nilang pictures together ni erich. ngayon, wala na. Dati rin kung maka promote si enchong sa projects nila together, ganado. eh ngayon, sarili na nga lang ata nya ipinopromote nya. And YES! Napansin ko rin yung prod nila sa ASAP na they were like upset. Nagtaka nga ako non. Marami pala nakapansin.

  2. DI NA NAKAKA-SHOCK YAN KC BAKLITA C ENCHONG NATURAL MAIIMBIERNA CYA K ERICH LALO NA KUNG NAGMAMAGANDA C GIRL EH AYAW NILANG MAGPATALO SA ISAT ISA. NEXT TIME NYAN MAGSASABUNUTAN NA YANG 2 NA YAN. BWAHAHAHAHAHAHA

  3. Pinay Barbie talaga tong si Erich, ganda!
    sila ni Marian ang talagang may K sabihan ng maganda!
    Primetime Princess at Primetime Queen! Marimar and Maria la del Barrio FTW!

  4. FACT: baDEEng lang ang pumapatol sa gurl! kaloka… confirmed!

    Sino ba ang hindi manggagalaiti sa galit kung yung ka-loveteam mo, mas sikat sayo!
    Si Erich ang daming mga bigating Endorsements
    lahat ng shows eh sya ang title role
    may bigating international movie pa with Mario Maurer plus another movie with Derek Ramsay
    at ikaw na ang trending queen.

    Siguro nagalit yang si DEE dahil Erich turned down the “puchu puchung” movie na gagawin lang naman syang eye candy at support sa kanila nina Enrique, Kean, at Xian… sorry pero di bagay si Erich dyan! si kim na lang kunin nyo diba sila ni Erich ang dapat leading ladies? tutal pacute pacute din lang naman eh sagadin na! Erich is a big money maker, ang mga bagay na movie sa kanya yung mga bigatin! and bakit pa nga ba ny atatanggapin, hello movie with Derek… tapos international with Mario… tapos “puchu puchu” movie na support lang? kalorkey lang! kaya pala bad trip sya sa ASAP Loveteam Prod!

  5. Sa totoo lang may prod silang 2 sa ASAP ngayong January lang, halata ung mukha ni Enchong na naiinis or galit.. basta kumukanta sila ni Erich nun kasama pa ung ibang loveteams.. Totoo tlga toh!!

  6. for erich and enchong hindi naman sila lovers at ang magkainisan naural lang yon siguro about time na maghiwalay sila? hindi kaya ang bunga ng inisan ay yong hindi pagpayag ni erich at jm guzman na movie/anh buhay ng artista ay magulo,kaya tama lang ang ginagawa ng iaba na hindi makipag relasyon sa kapwa artista.we love erich at kahit sino ang partner niya ay ok lang sa amin ,dahil si erich naman talaga ang idol namin.

  7. in fairness impaktita s ksupladahan yang chakang c erich na yan ha. nxt time ‘ne kng ininvite k s fiestahan pra mgshow matuto ka ng tamang PR, fans ang ngpasikat sau hndi sarili m lng. lalo n cguro kng maganda k

  8. THE GREEDY COJUANGCOS:
    If Corona gets convicted by the impeachment court, and the new chief justice would be “friendlier” to Malacañang, it will only be a matter of time for the President’s family members to get no less than P5 billion. It will be like winning the lottery.
    The Cojuangcos claim in their motion for reconsideration that just compensation should be based on 2006 values, which would put the land at P1 million per hectare instead of P40,000 per hectare.
    Are the Cojuangcos that lucky? Hacienda Luisita has already been connected to an expressway. It has business enterprises, malls and restaurants to its name.
    And if a new chief justice is appointed, what will happen to the decision for the Cojuangcos to turn over P1.3 billion to their tenant-farmers? It’s all too clear now. The Cojuangcos will prevail, justice be damned!
    –Emil Jurado, Manila Standard

  9. di naman maiiwasan na magka tampuhan,natural naman siguro yon. siguro may isang bagay hindi nila naka pagsunduan.natural lang yan.Go Enrich……….kahit anu pa man magyayari andito parin ako sumusoporta…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.