Enchong Dee and Kim Chiu: I Think I’m Falling For You… Again!

By Madam Damin


ENCHONG DEE
Real Name: Ernest Lorenzo Velasquez Dee

Birth Date: November 5, 1988

Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday
KIM CHIU
Real Name: Kimberly Sue Yap Chiu

Birthdate: April 19,  1990

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday
NAALALA N’YO ba ‘yung tsika noon na muntikan na raw maging sina Enchong Dee at Kim Chiu? Naging crush daw nila ang isa’t isa sa set ng My Girl, pero ang nagkatuluyan ay sina Gerald at Kim. Eventually, sa Splitville din napunta ang pagsasama nila.

Balik-primetime sina Enchong Dee at Kim Chiu sa Ina, Kapatid, Anak with Maja Salvador and Xian Lim. Kahit ang MaChong at KimXi ang ibinibentang tambalan sa nasabing serye, hindi naman mapipigilang mapansin ang chemistry sa pagitan nina Ethan (Enchong) at Celyn (Kim). Sa katunayan nga, mukhang mas keri pa nila ang aktingan together, eh!

Ang ibig bang sabihin nito ay may pag-asang matuloy ang naudlot nilang pagtitinginan noon? I-konsulta natin kay Inang Pag-ibig!

Kilala ang Scorpio at Aries sa pagiging passionate. Halos lahat ng bagay ay gusto nila at kaya nilang maging independent. Gusto nilang tahakin ang tamang landas at hindi sila nagpapa-api sa iba. Sa aspetong emosyonal lang magkasalungat ang dalawa: Dapat maramdaman ng Scorpio na laging nand’yan physically ang ka-partner o gusto nitong laging nararamdaman na mahal siya. Ang Aries naman ay medyo ilang sa ganitong set-up. Mas gusto niya na may konting space sa pagitan ng iniirog.

Isa rin sa puwedeng maging problema ng dalawa ay ang pag-aaway. Madaling makalimot at maka-move on ang Aries, habang ang Scorpio naman ay may tendency na magtanim ng galit at ‘Forgive, but never forget’ ang motto nito. Ang maganda sa tambalang ito ay ang kanilang team work. Mahuhumaling ang Scorpio sa pagiging agresibo ni Aries habang hindi naman ikukuwestiyon ng isa ang diskarte ng ka-partner. Olrayt!

Madaling magkapalagayan ng loob ang babaeng Aries at lala-king Scorpio. Kung paano patitibayin ang chemistry sa pagitan nila ang matinding pagsubok. May controlling tendencies ang Aries na puwedeng ikairita ng Scorpio. Madali ring magselos ang lalaking Scorpio lalo na kung pinaliligiran ng hunks ang syotang girlaloo. In a greater picture, puwedeng ang differences nila ang mas magpapatibay ng kanilang relasyon. Mada-daan naman lahat yan sa ma-bote… este, mabuting usapan.

There you ha-ve it, repapips! Mukhang hindi lang sina Ethan at Celyn ng Ina, Kapatid, Anak ang may chance sa love. Walang Etchos, kering-keri ‘din nina Enchong at Kim ito! Love is better the second time around. Why not nga naman, ‘di ba? Boom!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.