Enchong Dee, ‘di raw pinipilit ng staff ng Magkaribal na magtrabaho

NILINAW NG ILANG staff ng soap na Magkaribal ng ABS-CBN ang lumabas na isyu tungkol sa diumano’y pagpipilit ng mga ito sa mga artista nila na magtrabaho kahit na ang ilan sa kanila eh, nasa ospital pa, like in the case of Enchong Dee.

Ito ay para i-clarify ang nasabing akusasyon. Na diumano, regular naman daw na tsine-tsek ng kanilang staff ang naging lagay ni Enchong na napasok sa ospital kelan lang.

Hindi raw sila nagkukulang sa pag-check sa schedule ng kanilang artists, pati na sa mga handlers ng mga ito para nga nakapagpaplano rin sila in lieu of events na gaya ng ganito na may nagkasakit at naospital.

Kailangan din daw naman nilang gawan ng paraan ang pagkawala ni Enchong sa taping. At hindi naman puwedeng tumigil ang taping nila dahil dito.

Pero ang maliwanag daw, walang sinuman sa staff ang pumilit kay Enchong para lumabas na sa ospital para magtrabaho na. Alam naman daw nila na at the end of the day, kung may ganoong mangyayari at may mangyari rin sa kanilang talent, like Enchong nga eh, sila rin ang mananagot. At dahil du’n lahat eh, talo.

MARAMI NAMAN ANG umaasa na sa pagpapatuloy ng hearing ngayon sa pagitan ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap, mauuwi pa rin sa kaayusan ang lahat.

Inuna na nga ang usapin sa visiting rights ni James sa kanilang anak na si Baby James.

Natapos na ang hearing noong Biyernes at nabigyan naman ng mga araw ng dalaw si James sa anak nila ng Queen of All Media. And right after the hearing, allowed na nga si James na makita o makasama si Baby James ng alas-kuwatro y media ng hapon. Kaya, inantabayanan na ito ng mag-ina sa tahanan nila sa One Roxas.

Pero, hindi naman pala agad na nakasunod si James para sa pagbisita nito kay Baby James sa nasabing oras. Alas otso na ng gabi eh, hindi pa ito dumarating sa One Roxas. And ten minutes after eight ng gabi na nito nakasama ang anak.

May bitbit na toy gun si James para sa sinasabi niyang nami-miss na anak. At ang mga araw na mabibisita niya at makaka-sama si Baby James ay Miyerkules, Biyernes at Sabado.

HINDI NAMAN DAW masasabing pagde-deny ang pagsasabi ni Coco Martin na hindi niya nililigawan ang aktres na si Erich Gonzales.

Nakorner namin sa presscon ng bagong pelikula niya sa Star Cinema si Coco, ang Sa ‘Yo Lamang, at ito ang agad-agad na inusisa namin sa kanya.

Nabanggit kasi ni Kris (Aquino) na diumano’y nililigawan nga niya ang dalaga. Pero sabi ni Coco, baka na-misinterpret lang ang sobrang closeness nila ni Erich nang gawin nila ang prinodyus niyang Noy, kung saan si Erich ang leading lady niya.

“Walang babae na gugustuhing i-deny siya ng lalaking lumiligaw sa kanya. Pero sa kaso namin ni Erich, talagang matagal na kaming close sa isa’t isa. Kaya nga po ang mga kasama ko sa Noy eh, talagang taon na ang binilang, kaya masasabing close na sa akin, gaya ni Vice Ganda. Dahil din siguro ngayon din lang kami may chance na makitang magkasama ni Erich kaya ganoon ang naiisip ng mga tao. Sa puntong ito po, hindi ko pa mahaharap ang mapasok sa isang relasyon dahil na rin sa commitments ko sa trabaho ko.”

Paano nga raw siya magkakaroon man lang ng chance na manligaw eh, galing lang siya sa isang US tour. Pagkatapos tamang maipalabas ng Sa ‘Yo Lamang, magsisimula na siya sa pelikulang pagsasamahan nila ni Kris na isasalang sa Metro Manila Film Festival, ang Dalaw. At sa Enero, tuloy na siya ng Paris, France para naman sa pelikulang magre-reunite sa kanila ni Direk Brillante Mendoza.

Eh, ‘di ba, may iba namang nali-link kay Erich?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

3 thoughts on “Enchong Dee, ‘di raw pinipilit ng staff ng Magkaribal na magtrabaho

  1. BAKLA talaga itong baklitang Enchong na ito. Sa ngiti pa alng..bigay na bigay na ang kabadingan…hindi maitago.

Leave a Reply

Your email address will not be published.