Enchong, Bigay na Bigay sa Pag-Hataw!

DEDMA NA SI Enchong Dee sa matagal nang kumakalat na mga photos niya sa internet kasama ang isang lalaki, na nagke-claim na boyfriend daw niya at ayaw na ayaw na rin ng young actor na nababalita ang

pagge-girlfriend niya basta-basta para matakpan lang ang gender issue about him. May mensahe rin si Enchong sa mga mahaderang ayaw tumigil sa pagkukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki – “Ipagpatuloy n’yo lang po para mas sumikat pa ako!” Taray deevah? Ha-ha! Kung tutuusin lalong nadaragdagan ang mga fans ng younger bro ni Papa Aj Dee kahit pa maglitawan ang mga negative write-ups about him. Sa ngayon eh, may upcoming solo project si Papa Enchong, ang Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Present: Boy Putik. Sa sobra ngang dedikasyon sa work, mas pinili niya na totoong putik ang ibalot sa buong katawan at mukha niya sa actual taping, huh? Siyempre, nariyan pa ang muling pagtatambal

nila ni Erich Gonzales sa Pinoy remake ng Mexicanovelang Maria La Del Barrio. Naispatan naman ng aming makulit na kamerang-gala ang bigay na bigay na paghataw ng guwapong aktor sa isang special event. Tsuk!

Photos by Mark Atienza

Ni MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

One thought on “Enchong, Bigay na Bigay sa Pag-Hataw!

Leave a Reply

Your email address will not be published.