Empress Schuck, wrong timing ang pagbubuntis

Empress-SchuckHINDI NA bagets si Empress Schuck, dahil 22 anyos na siya, kaya hindi na rin nakagugulat kung nagbuntis man siya, dahil may boyfriend naman siya. Kahit naman kailan, hindi siya naisyuhan ng kalandian, dahil seryoso naman siya sa kanyang pag-aartista. Napaka-honest nga ng magandang aktres na ‘di nagde-deny kapag mayroong kung sinu-sinong lalaking inili-link sa kanya noong nasa bakuran pa siya ng ABS-CBN. Ang nakagugulat sa nangyari, hindi inaasahan na ngayon siya magpapabuntis.

Sobrang nalungkot nga ang kanyang talent manager na si Tita Becky Aguila, kaya ganu’n na lamang din ang kanyang paghingi ng dispensa sa GMA-7 lalo pa’t kalilipat nga lang ni Empress sa Kapuso Network, at nakasama siya sa teleseryeng Kailan Ba Tama Ang Mali?. Ang pinanghihinayangan ni Aguila ay dahil parang nasa bagong simula ng kanyang career ulit ang kanyang alaga, dahil nga sa bagong pagkakataon na ibinigay ng Siyete.

Para na rin kasing anak ang turing ni Tita Becky kay Empress dahil matagal na ang kanilang samahan bilang talent at manager. Wala siyang mirereklamo sa magandang aktres, dahil napakabait nito at masunurin talaga. Hindi naman niya kayang hadlangan ang kaligayahan nito sa pakikipagrelasyon kay Vino Guingona. Ilang taon na si Empress sa ABS-CBN, at parang natatabunan siya roon ng iba pang pinasisikat ng Kapamilya Network, kaya ang huling naging desisyon ay ilipat na lang siya sa GMA-7, at maganda naman sana ang plano ng Siyete sa kanyang career.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Empress Schuck, wrong timing ang pagbubuntis

  1. Yan kasi ang resulta sa nakipaglaro before marriage, yan tuloy lumaki ang Ryan daniel hindi ginamit ang utak. Nakita hindi gumamit nang preventative measure kung hindi pa pila ready?

Leave a Reply

Your email address will not be published.