Empress Schuck, tatapusin lang ang serye para mag-pokus sa ipinagbubuntis

Empress-SchuckNAKAKALOKA! BUNTISAN naman ang isyu ngayon!

Ang isang malaking kuwento namin sa Startalk nu’ng kamakalawa lang ay ang pag-amin ng young actress na si Empress Schuck na nagdadalang-tao na siya.

Inamin nga niya sa interview sa kanya ni Jennylyn Mercado na three months preggy na siya sa kanyang boyfriend na mahigit isang taon na niyang karelasyon.

Lumabas na nga ang pagkatao nitong nakabuntis kay Empress na isang model at nasa pamilya ng mga kilalang pulitiko.

Si Vino Guingona raw ang boyfriend nito na nakabuntis sa kanya. Matagal na raw nilang kaibigan ng pamilya sa side ng kanyang ama, nu’ng nasa Zamboanga pa sila. Pero isang taon pa lang daw silang naging mag-on at ‘yun na nga nabuntis na siya.

Inamin naman ni Empress na hindi ganu’n kadali sa kanya kung paano ito ipagtapat sa kanyang pamilya. Siyempre, expected daw siyang violent reaction ito sa kanyang ina, pero okay na raw sila ngayon.

Nagpapasalamat din siya dahil nandiyan na raw ang suporta nila.

Kaya tapusin na lang ni Empress ang trabaho niya sa Kailan Ba Tama ang Mali at magpapahinga na ito para maka-focus na siya sa kanilang magiging baby.

Nagpapasalamat din siya dahil nandiyan daw ang boyfriend niya na laging nakatutok sa kanya. Hindi raw siya iniiwanan at sobrang protective daw ito sa kanya.

Sa ngayon ay sa baby raw sila naka-focus, at hindi muna nila pinag-uusapan ang kasal. Sabi naman ni Empress, tingin naman daw niya, itong si Vino ang lalaking makakasama niya. Pero wala raw munang kasalan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Empress Schuck, tatapusin lang ang serye para mag-pokus sa ipinagbubuntis

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.