Empress-ive Debut!

SA WAKAS AY natupad na nga ang dream debut ng Kapamilya young actress na si Empress Schuck noong Linggo, February 20, sa Grand Terrace Pavilion restaurant sa Quezon City. Tulad ng ibang debutante na mayroong grand formal theme, napili ni Empress ang Rocker Chick theme kung saan ang lahat ng guest ay required na magsuot ng chic outfi ts na black, pink at white. Bongga ang inirampang gown ng young actress na design lang naman ni Pepsi Herrera.. o, ha! Ang mga malalapit na kaibigan ng dalaga gaya nina Robi Domingo, Kitkat at Melissa Ricks ang nagsilbing hosts of the night. Taray!

Nagbigay naman ng kani-kanilang special performances sina Richard Poon, 3AM Band, VOIZboys at ang Parokya ni Edgar. Mawawala ba riyan ang mga kabarkada at naging leading men ni Empress na umayong 18 roses at 18 gifts? Nakigulo rin ang mga magging co-actors niya sa Shoutout, Abt ur Love, Ang TV 2 at Rosalka. Ano pa ba ang mahihiling ng tinaguriang ‘Empress of Drama’, duhba? Naman! Impressive ang debut ni Empress, huh! At p’wede na rin daw siyang ligawan! O, boys… ready, set… gora da explorer na!

Parazzi Wires Photos

Ni MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Empress-ive Debut!

Leave a Reply

Your email address will not be published.