Empoy Marquez: Mop-Top Hair & Pretty Eyes ala Paul McCartney

AYON KAY EMPOY bata pa siya nang tawagin siyang ‘Empoy’. Nangyari ito noong baby pa siya’t inaalagaan ng kanyang pinsan. Habang hinehele siya, napalakas ang ugoy, at ayun, nalaglag sa duyan. “Noon ‘yun, kaya lang maliit pa rin ako hanggang ngayon, he-he-he! Tapos sakto po nu’n, palabas po iyong pelikulang ‘Tahan na Empoy, Tahan Na’ ni Niño Muhlach.”

Taong 2003 nang ma-discover si Empoy nang maging Grand Champion siya sa search for Mr. Suave sa dating Masayang Tanghali Bayan noontime show ng ABS-CBN. “Bale sa contest, ahh… I sing, dance, perform like myself.”

Matapos noon naging introducing comedian kaagad si Empoy sa pelikulang Mr. Suave ni Vhong Navarro.

STRATEGY SA PANLILIGAW

Paano ka nanliligaw sa mga babae? Nagpapatawa ka? “Actually walang sumeryoso sa akin. Kasi, para raw ako nangga-gago. Iba kasi iyong pustura ko, pang-araw araw sa amin.”

Ha-ha-ha-ha! Pero nabasted ka na rin? “Madalas… madalas. Medyo baduy talaga akong manligaw.”

Naniniwala si Empoy na, “Stay put on the ground. Be humble, tapos ahhh… saka ‘wag kang kakain ng maanghang, magkaka-almoranas ka.”

He-he-he-he! Ang layo eh, ang akala ko mananatili ka sa lupa. “Ah, ‘yung paa lang! ‘Wag lalaki ang ulo, katulad ni Jollibee, kasi hindi ka magkakasya sa pintuan.”

Tama! May katuwiran si Empoy. Kasi kapag lumaki ang ulo, sisitahin ka ng guard. Pero iyong bigote mo, nabilang mo na rin ba minsan? “Sinubukan kong bilangin pero ang mga kapatid ko, lagi akong iniistorbo kaya lagi akong nag-uumpisa sa isa. Pero nabilang ko, mga one thousand siyete mil lahat, eh.”

Pero alam ninyo nang tingnan ko si Empoy sa personal, hindi naman siya masyadong ano… hehehe. Sabi ko naman sa kanya, ‘pero kapag tinititignan ka naman, iyong mata mo maganda!’ Anong masasabi mo roon? “Ah, ganito po talaga kaming mga dugong bughaw!”

Halata ko nga, ala Paul McCartney. “Yes! Ah, Empoy McCartney na lang.”

Ah, kaya mo ginanyan ang buhok mo? “Ah, yeah. Band on the run.”

Pero may-asawa ka na? “Wala na! Ala pa eh… wala pa, ala pa po. I’m still single, young and horny!”

Ha-ha-ha! Baka naman single ka dahil mag-isa ka laging naglalakad. Sige Paul Mcartney ka ng Philippines, he-he-he! “Thank you very much, daddy! You have a taste. Puwede nga tayong magsama, Paul McCartney at Stevie Wonder. Ebony-ivory, ‘di ba?”

Ah, sige, ako si Jack, ikaw si Empoy. JACK em POY. Talagang dark ang salamin ko, pero may grado, he-he-he! Bigla ba naman akong tinanong ni Empoy: “‘Yung bigote mo, ilan ang bilang?” Sabi ko, ‘Ah, oo, ito naman, eh seven hundren eleven!’ “Wow! 7-11, 24 hours pala ‘yan, ah!”

Oo naman at twenty four hours ko itong binibilang. Tinanong ko kung may nagkaka-crush sa kanya? “Ah, bale ala akong crush sa kanila. Sila po ang patay na patay sa akin. She’s dead on me! ‘Di ba iyong mga magaganda, mga kapatid lang po ang mga turing ko riyan, eh.”

Oo naman, kasi ‘pag nalaman nila, baka mawala ang paghanga sa ‘yo, ha-ha-ha!  “Oo naman. Hayaan ninyo na silang humanga sa akin.”

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

One thought on “Empoy Marquez: Mop-Top Hair & Pretty Eyes ala Paul McCartney

Leave a Reply

Your email address will not be published.