Employment Program, Binuhay ng DOLE

INIUTOS NI Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz sa Financial Management Service (FMS) ng kagawaran na magpalabas ng P1 milyon pondo para tulungan ang mga manggagawang sinalanta ng bagyong Sendong.

Ilalaan ang nasabing halaga para sa kanilang Emergency Employment Program (EEP), kung saan bibigyan ng pansamantalang trabaho ang mga manggagawang apektado ng kalamidad, ayon kay Director Nikon Fameronag, tagapagsalita ng DOLE.

Kabilang umano sa mga nasabing trabaho ay ang pagtulong sa mga clearing operations, declogging ng mga kanal, pagkukumpuni ng mga pampublikong pasilidad at mga water system.

Partikular umano nilang tututukan sa programa ang mga mangagagawa na sinalanta sa lungsod ng Iligan at Cagayan de Oro.

Ang emergency employment program ay karaniwan na aniyang binubuhay ng DOLE kapag may dumarating na kalamidad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.