Employers: Sundin ang Pay Rules Ngayon Araw – DOLE

 

PINATITIYAK NI Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz sa mga employers na tatalima ang mga ito sa kanilang ipinatupad na pay rules.

Ito ay kaugnay sa naging proklamasyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III bilang isang regular holiday ang Agosto 27.

Base sa talaan ng mga holidays sa taong 2012 ng Malacañang, deklaradong holiday ang

August 27 sa dahilang ang National Heroes Day ay nasa huling araw ng Linggo ng kasalukuyang buwan.

Dapat makatanggap ang mga empleyado ng 200 percent o double pay sa mga magtatrabaho sa nabanggit na petsa, ani ng kalihim.

Sa itinakdang holiday pay rules ng DOLE, kapag lumagpas na sa walong oras, makakatanggap ang empleyado ng karagdagang 30 porsiyento ng kaniyang hourly rate.

Kung hindi naman pumasok ang isang empleyado sa nabanggit na araw, makakatanggap pa rin ito ng 100 porsiyento ng kanyang regular daily rate.

Samantala, sakaling matapat sa araw ng day off ng isang manggagawa ang naturang holiday at pumasok ito para magtrabaho, makatatanggap siya ng 260 porsiyento ng kanyang daily rate sa unang walong oras at karagdagang 30 porsiyento kapag lumagpas na rito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.