Employers: P7 Lang Dapat ang Dagdag-Sahod, Hindi P10

KUNG NALILIITAN ang grupo ng mga manggagawa sa ipinatupad na dagdag pasahod, natataasan naman ang ilang employers.

Kung susundin ang tamang computation alinsunod sa formula ng pamahalaan, P7.00 lang ang dapat ipatupad na dagdag-sahod sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) at hindi P10.00 gaya ng inaprubahan ng wage board.

Ito’y ayon kay Ed Lacson, presidente ng Employers Confederation of the Philippines, kasunod ng anunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa wage hike.

Sinabi pa ni Lacson na pinakamataas na ang minimum wage ng Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa sa Asya.

Sa ipatutupad na P466.00 minimum wage kada araw, katumbas nito ang $10.00. Ayon kay Lacson, mas mataas ito kumpara sa $9.75 na minimum wage sa Malaysia, $9.75 sa Thailand at $8.08 sa Tsina.

Pero sa datos mula National Wages and Productivity Commission (NWPC), pinakamataas ang minimum wage sa Singapore na pumapalo sa $20.56 hanggang $61.67.

Kung ikukumpara naman sa mga bansa sa Southeast Asia, totoong nakalalamang ang Pilipinas: Myanmar $0.52; Cambodia $2.03; at Vietnam $3.16.

Samantala, hihirit ang

ilang employers ng exemptions dahil hindi kakayanin ng mga ito ang ipatutupad na dagdag-sahod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.