Empleyado, Tinangkang Molestyahin; Bading na Manager, Tinarakan

DEAD ON arrival sa pagamutan ang manager ng isang department store ng isang mall sa Legazpi City matapos saksakin  sa loob mismo ng kanyang apartment.

Kinilala ang nasabing biktima na si Henry Hugangos, 30, tubong Sorsogon.

Pangunahing salarin sa pamamaslang ang empleyado rin ng department store na si Jaypee Barlizo na naaktuhan pa sa loob ng tinutuluyan ng biktima.

Sinabi ng suspek na nagawa niyang saksakin ang biktima nang subukan nitong hawakan ang pribadong parte ng kanyang katawan.

Nabatid na inimbitahan lamang umano siya ng biktima sa apartment nito upang mag-inuman ngunit hindi niya inaasahang momolestyahin siya ni Hugangos na pinaniniwalaang isang bading.

Sa ngayon, kasong homicide ang kakaharapin ni Barlizo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

One thought on “Empleyado, Tinangkang Molestyahin; Bading na Manager, Tinarakan

  1. Pakireview naman po ng balita nyo…Double check nyo naman bago ilabas On Air..kce sa lastname pa lng ng biktima mali na kyo…mabuti, marangal, desente at matolongin na tao po si Henry..at Hinding Hindi po gagwin ni Henry ang nilalaman ng balita niyo…siya na nga ang biktima siya pa ang sira sa mata ng tao..pakiAyos naman please…Masaklap na nga ang pagkamatay ..cya pa ang sira.. Anu ba naman kayo..Makoncencya naman kayo..Si Henry ang Biktima dito..at buhay nya ang naSayang…Mabuting tao po si Henry!

Leave a Reply

Your email address will not be published.