Empleyado ng PAL, humingi ng saklolo kay Pope Francis

HUMIHINGI NG tulong ang may 3,000 kasapi ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) kay Pope Francis para makialam na sa sigalot ng PALEA at PAL management.

“Thus we seek the intercession of Your Holiness to achieve a just conclusion to the labor dispute,” bahagi pa ng liham na nilagdaan ni PALEA President Gerardo Rivera.

Napag-alaman na ang nasabing liham ng grupo ay ipinadala sa tanggapan ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Intramuros, Manila nitong Martes.

Mismong si Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng CBCP-NASSA, ang maghahatid ng sulat sa Vatican.

Si Gariguez ay umalis ng bansa nitong Martes ng gabi patungo sa naturang lugar upang dumalo sa isang pagpupulong.

Maaalala na ang PALEA ay nasangkot sa malaking labor dispute sa nakalipas na dalawang taon at noong Setyembre 2011 ay mahigit 2,600 regular na empleyado nito ang tinanggap sa trabaho sa pamamagitan ng outsourcing scheme.

“The support of Church officials and laity has given us utmost hope amidst the despair of a protracted dispute. The solidarity of the Church has indeed assisted us in innumerable ways,” ani Rivera. “We were fired with the intention of being hired as contract workers doing the same jobs without security of tenure, less wages, longer hours of work but without benefits.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.