Empleyado ng Inquirer, Kritikal sa Snatcher

KRITIKAL ANG empleyado ng Philippine Daily Inquirer matapos pagsasaksakin bago tangayin ang wallet ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan sa Chinese General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Arnel Francisco, 43, ng Cleofas St., Sta. Quiteria ng lungsod.

Sa ulat, alas-12:30 ng umaga, naglalakad ang biktima malapit sa kanilang bahay nang salubungin ang pagsasaksakin ng mga suspek.

Bago nagsitakas ay kinuha ng mga suspek ang wallet ng biktima na naglalaman ng P1,000 at mga IDs.

Dinala ang biktima sa CGH kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(MARY H.SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.