Empleyado ng Customs, Tiklo sa Panunutok ng Baril

DAKIP ANG isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) makaraang magbanta ng pamamaril sa dalawang empleyado ng punerarya na nakasagian sa Marcos Highway.

Dinala sa Pasig Police Headquarters ang salarin na si John Octaviano na higit 13 taon nang empleyado ng BOC nang magwala at manutok ng baril.

Nakasagian ng sasakyan nina Elvinson Sarsagat at Kenneth Orbien ang suspek kaya ito nagbanta at nanakal pa umano.

Samantala, desidido ang mga biktima na kasuhan si Octaviano ng kasong Grave Threat at Physical Injury, bukod pa sa kasong Omnibus Election Code.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.