Empleyado ng Caloocan City Hall, Natagpuang Patay

PATAY NA ng makita ang empleyado ng city hall na hinihinalang inatake sa puso sa loob ng city hall sa Caloocan kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Exequiel Norbete, 47 ng Talakitok St., ng lungsod at miyembro ng General Services Office ng Caloocan City Hall.

Lumalabas na noong isang gabi ay hindi nakauwi ng kanilang bahay na naging dahilan upang hanapin ng mga kaanak.

Bandang alas-8 ng umaga, ilang mga kasamahan ng biktima ang naglilinis ng kanilang opisina hanggang sa mapansin sa isang tabi ang biktima.

Nang lapitan ay hindi na gumagalaw na naging dahilan upang tumawag ng doctor at nakumpirmang ilang oras ng patay ang biktima.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.