Empleyado, Kritikal sa mga Holdaper

KRITIKAL ANG isang empleyado matapos pagsasaksakin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper nang pumalag ang una sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Eduard Asuncion, 23, ng Tugatog, Malabon City.

Sa ulat, alas-4 ng umaga, naglalakad ang biktima sa tapat ng Sangandaan Cemetery sa A. Mabini St. ng lungsod nang harangin at holdapin ng mga suspek.

Pumalag ang biktima na naging dahilan upang pagsasaksakin ng mga suspek at kinuha ang P1,600 cash ng una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga una.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.