Emergency Employment, Ilalaan sa mga Biktima ng Habagat

KINUMPIRMA NG Department of Labor and Employment (DOLE) na 7,000 manggagawang naapektuhan ng baha dahil sa hagupit ng habagat ang mabibigyan ng trabaho ng kanilang emergency employment program.

Sinabi ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na kukuha umano sila ng 5,544 katao sa Metro Manila, habang 1,450 naman sa Central Luzon para sa naturang programa.

Kabilang sa mga posibleng hanapbuhay ay para clearing at restoration sa mga komunidad na naapektuhan ng baha.

Samantala, inatasan rin ni Baldoz ang mga regional directors ng NCR at Central Luzon na makipag-ugnayan sa mga LGU na siyang tutukoy ng mga trabahong kailangang maisagawa higgil sa nasabing programa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.