Ely Buendia, may bagong babae?! – Gorgy’s Park

NAGKAROON NG SHOW ang Pupil band ni Ely Buendia sa Magnet bar nu’ng nakaraang linggo at nakunan ito ng Startalk.

Nakunan din ng Startalk na may ibang babae nang kasama si Ely at mukhang sweet sila kahit nandu’n si Diane Ventura, ang dating nakarelasyon ng naturang singer.

Bago isinalang ang bandang Pupil, umalis daw sandali si Diane at lumipat ng ibang bar dahil meron din yata siyang mina-manage doon na ibang banda.

Doon na raw nakita itong girl na medyo sweet nga kay Ely. Kaya mukhang may kanya-kanya na nga silang dyowa pagkatapos nilang maghiwalay.

Si Ely ay hindi sumasagot kapag mga personal na isyu na ang tinatanong.

Si Diane naman ay safe lang ang sagot pagdating sa relasyon nilang dalawa.

Nandiyan pa rin naman daw ang talent-manager relationship nila at siyempre mananatiling magulang daw sila ng nag-iisa nilang anak.

“Ely will always be my partner in everything we do. We have the utmost respect for each other and we’re the best of friends,” pahayag nito.

“We’re still working together and it’s something that we plan to do for as long as we can, and we’re going to work hard so it’s going to work,” patuloy nito.

May isang event din dati na nakunan ng Startalk na ibang lalaking kasama si Diane kaya mukhang okay lang sa kanilang dalawa at tanggap na nilang may kanya-kanya na silang relasyon.

Okay rin naman pala iyun. At least na-maintain naman ang friendship kahit hiwalay na sila bilang mag-asawa.

Meron palang pinghahandaang malaking show ang Pupil sa darating na November at special guest daw rito ang Eraserheads.

DJ Mo at Rufa Mae Quinto, nag-deadmahan

DUMAAN KAMI SA studio ng Showbiz Central nu’ng nakaraang Linggo at nakatsikahan namin doon si Rufa Mae Quinto na sa labas lang ng dressing room nakatambay dahil nasa loob si DJ Mo Twister.

Dedmahan pa rin sila at mukhang lalong lumalalim ang hidwaan nilang dalawa.

Sabi naman ni P-chi, hindi pa nangyari itong huling pinag-awayan nila, hindi naman daw sila tsika. Hindi naman daw sila ganu’n na ka-close pero kahit pa’no nag-uusap sila.

Pero ngayon, mukhang malala na at sabi nga ni Rufa Mae, malabo na silang magkaayos dahil paulit-ulit lang daw iyon at nakikita namang wala na raw respeto si DJ Mo sa kanya.

By Gorgy’s Park

loading...

13 thoughts on “Ely Buendia, may bagong babae?! – Gorgy’s Park

  1. -hi to my idol n c ely buendia!!! luv cuu poh tlagah ung mga song nyo kshit watak watak na ang banda ng masa na eheads andito parin po kaming mga fans nyo. IDOL ko po talaga kayu

  2. -hi to my IDOL!! ELY BUENDIA!! astig ka talaga nka n luv ang lahat ng mga kanta mo!! wla ka parin kupas kahit xa pupil na xa!! LU7V KO TLAGA C ELY !!!!!!!! IDOL!! 4EVER!!

  3. ELY!!!!!!!!!kung saan ka masaya sundin mo maiikli lang ang buhay lalo na sayo na hindi napapansin ang pagikot ng mundo at hindi yun hihinto take care always

  4. ELY sorry but i think thats the ugly truth wag mo na lng itago para makapag move-on na lhat ang problema sau npaka secret kind mo! nakakanis ka na khit nahihirapan ka na tinatago mo parin dinadaan mo sa tawa pero hindi na nkakatawa! pero im a die hard fan of yours alam kong manager lang din naman ang turing mo sa kanya at kamakailan mo lng nalaman ang ugly truth!!!want more email me @ VERONICACONCEPCION91@YAHOO.COM

  5. nagtaka pa kayo hindi nyo ba alam na kahit nung mag asawa pa sina ely at diane eh! ang turingan lang nila ay as a talent and a manager nung na heart attack nga si ely ay ang pagaalala ni diane ay parang na heart attack lang ang kanyang talent at hindi bilang asawa naging magasawa sila coz ely thought na mahal nya si diane dahil lagi slang magkasama kung magisip kasi sya ay parang isang bata. kilalang kilala ko na c ely sa tagal kong naging E_Y_I_T. SALAMAT!!!!!!!! SUSUNDAN KO PA 2 MARAMI PA AKONG SASABIHIN NXT TIME NA LANG

  6. ..hello poh kay ely!!!!
    love fun nia poh ako pki tel nman poh na lov na lov ko xah…tska poh pki tel rin poh na susuportahan ko xa forever…
    tska lov ko rin ung mga songs nia…!!!proud talaga ko sknya…

Leave a Reply

Your email address will not be published.