Elmo Magalona & Lauren Young: The Real Tween Lovers!

ELMO MAGALONA

Real Name: Elmo Moses Arroyo Magalona

Birth Date: April 27, 1994

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

 

LAUREN YOUNG

Real Name: Lauren Anne Young

Birth Date: November 8, 1993

Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday

 

PALABAS NGAYON sa sinehan ang pelikulang Just One Summer. Ito ay pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, ang dalawa sa mga teen stars na pambato ng Siyete ngayon. Natupad din ang request ng die-hard ‘JulieMo’ fans na mapanood ang kanilang iniidolo sa big screen. Maliban dito, regular din silang napapanood sa Party Pilipinas at Together Forever.

Pero wait… hindi silang dalawa ang bida sa Pares-Pares natin ngayon, ha? Sorry to disappoint, pero mas interesado kasi akong malaman kung swak ba talaga si Elmo Magalona sa pinagtsitsismisang real-life girlfriend nito na si Lauren Young. Alam n’yo ba na isa na rin siyang Kapuso? Yes, mas lalo silang magkakalapit ni Elmo! Naku!

Dahil sa career move ng dalaga, tila maraming JulieMo fans ang nag-aalburuto ngayon. Well, puwede rin naman tayong gumawa ng LauMo, ‘diba? Will the stars agree with me?

Malakas ang attraction ng Taurus at Scorpio. Sa katunayan nga, ito ang isa sa pinaka-intelehenteng pagsasama sa zodiac. Parehong may pagka-possessive ang dalawa, pero mas madaling magselos ang Scorpio. Mas demanding pagdating sa emotional attachment at intimacy ang Scorpio, na maaari nilang pag-awayan ng Taurus.

Isa rin sa negative traits na pareho sa kanila ay ang pagiging mainitin ang ulo. Hirap ang dalawa na i-express ang kanilang nararamdaman kaya ang kadalasan na ending ay pagsabog. Boom! Kailangan nilang matutunang mag-open up kahit sa isa’t isa lang. Open communication and understanding ang kailangan ng dalawa para maiwasan ang mga problema. Ayaw rin nila na sinasakal sila kaya nararapat lang na may ‘space’ sila kahit paano.

Para tumalab at tumagal ang pagsasamang ito, kaila-ngan magsanib-puwersa ang dalawa para gumana ang kanilang tambalan. Dahil karamihan sa kanilang common traits ay ang ‘negative’, hindi pa rin maa-assure ng mga bituin na happily ever after ang ending nito. Minsan nga, kahit ang simpleng paglalandi sa iba ay puwede na nilang pag-awayan. Ma-overcome lang nila ito, puwedeng-puwede na!

Hmmm… looks like it will be a tough ride for Elmo and Lauren after all! Kung tutuusin, medyo hirap na rin ang sitwasyon nila ngayon (hello, Ate Julie Anne!). Mukhang conscious naman ang mga bagets dito kaya very careful sila sa kanilang actions. Oh well. Bata pa naman kayo, huh! Karir muna, ahkei?!

Pares-Pares

By Madam Damin

3 thoughts on “Elmo Magalona & Lauren Young: The Real Tween Lovers!

  1. hahahahahahaha! am sorry, can’t help it sobrang laughtrip lang sa name combination. this is the funniest thing i’ve read today swear. LMFAO!

    • anubey!hahahaha…kalurky nman laumo?emly n lang,maiba nman…anyways highways julie anne can make it with or without elmo nman.plus d fact n super talented xa,she can go far than her kalavteam…

  2. LauMo? jusko, ano namang kalokohan to? nakakatawa. waley na ngang career sa dos lakas pa ng loob lumipat? para ano? para bumakod? it’s really a desperate move though. goodluck na lang.