Elmo Magalona & Janine Gutierrez: Only Me and You

Janine-Gutierrez-Elmo-MagalonaELMO MAGALONA
Real Name: Elmo Moses Arroyo Magalona
Birthdate: April 27, 1994
Zodiac Sign: Taurus

JANINE GUTIERREZ
Real Name: Janine Marie Elizabeth De Leon Gutierrez
Birthdate: October 2, 1989
Zodiac Sign: Libra

NAAALALA N’YO ba ang Villa Quintana? Ito ang isa sa kauna-unahang primetime soap operas ng GMA-7 noong mid-90’s. Pinagbidahan ito nina Keempee de Leon at Donna Cruz. Tumatak sa publiko ang teleseryeng ito dahil nakaka-in love naman talaga ang love story nina Isagani at Lynette.
Ang bagong version ng Villa Quintana ay pagbibidahan ng showbiz royalties na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Well, fair lang naman siguro na mag-move on na rin sa bagong ka-loveteam itong si Papa Elmo dahil may Kristoffer na rin naman si Julie Ann, ‘di ba?
Kung sakali kaya ay may tsanang mainlab ang anak ng master rapper sa apo ng superstar?
Hangga’t maaari ay gusto ng Taurus at Libra na umiwas sa gulo. Gusto nilang mamuhay nang mapayapa at walang inaapakang tao. Ang relasyon sa pagitan ng dalawa ay full of respect and compassion. Pero wait… hindi ibig sabihin nu’n ay wala nang conflicts na magaganap, huh? Outgoing at very sociable ang Libra samantalang pumipirme madalas sa bahay ang Taurus at gusto nito na konti lang ang taong nakapaligid sa kanya.
Ang pagiging matigas ng ulo ng Taurus ay p’wedeng maging sanhi ng ‘di pagkakaunawaan sa Libra. Kung titingnan sa malawak na perspektibo, wala naman talagang malaking gulo na magaganap sa dalawa. Konting adjustments lang ang kailangan at good to go na sila! Konting lambing at romansa lang ay pwede nang paamuhin at pasunurin ng Libra ang Taurus. Gusto ng parehong zodiac ang magagarang bagay at romantic gestures. Concentrate na lang sa good points para lalong bumongga ang love life!
Sureball ang romantic attraction ng dalawa at first sight, pero hindi garantisado na tatagal ito. Ang sensible side ng Taurus ang lalong magpapaakit sa Libra. Magiging sakit naman ng ulo paminsan-minsan ng Taurus ang madalas na paglalakwatsa ng Libra. May pagka-possessive din ang Taurus na p’wedeng ikasakal ni Libra. Good start, but it will require good commitment para masabing pasok sa banga ang love life ng dalawang showbiz royalties.
There you have it! May chance naman sina Elmo at Janine… konting effort pa, huh?

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Elmo Magalona & Janine Gutierrez: Only Me and You

  1. Pingback: Elmo Magalona & Janine Gutierrez: Only Me and You - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.