Elmo Magalona, idine-deny si Lauren Young!

ISA KAMI sa na-touch at bumilib nang makita namin ang video ng Kaleidoscope World na unang nagawa 18 taon na ang nakaLIlipas, pero ngayon ay kasama na sa video ang anak nitong si Elmo Magalona na nagmama ng husay sa pagra-rap sa namayapang ama na si Francis Magalona.

Mahusay ang pagkakagawa na iisipin mong magkasama talaga sila sa video nang gawin ito at ‘di dahil sa makabagong teknolohiya na likha ng computer. nang pormal na i-launch ang nasabing video sa isang event, ‘di napigilan ng buong Magalona family na mapaluha at maging emosyonal sa kanilang napanood.

Ayon kay Elmo, regalo nila ito sa ama para sa darating na Father’s Day kung saan alam ng lahat kung gaano kalapit sa isa’t isa ang buong pamilya at nagmamahalan.

Hiningan din namin ng reaksyon si Elmo sa matagal nang balita tungkol sa espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila ni Lauren Young na present din nang gabing iyon, consistent pa rin ang young actor sa pagsasabi na magkaibigan lang talaga sila ni Lauren at wala silang espesyal na relasyon.

Hiningan din namin ng reaksyon sa balitang paglalasing daw ng kapatid na si Maxene Magalona sa isang bar at pagbuga daw nito ng alak sa mukha ni Bela Padilla, dahil boyfriend daw ngayon ng huli ang ex naman ni Maxene na si Neil Arce. Ayaw nang magbigay ng komento tungkol dito si Elmo, pero para sa kanya ay ‘di magandang siya ang magpayo sa kanyang ate dahil mas matanda ito kaysa sa kanya.

Balita naman na binigyang-linaw na ni Bela na walang katotohanan ang nasabing balita dahil hindi siya gumigimik at nagpupunta sa mga bar, dahil busy siya sa taping ng kanyang serye sa GMA, ang Love and Lies.

Hiningan din namin ng reaksyon sa balitang pagtatawa raw nila ng kaparehang si Julie Anne San Jose sa paraan ng pagkanta ni Daniel Padilla, kung saan kumalat pa ito sa YouTube at nakatanggap ng kabi-kabilang pagba-bash ang magkapareha mula sa mga tagahanga ni Daniel, ayaw nang palakihin pa ni Elmo ang tungkol dito, pero klinaro niya na ibang video ang tinintingan nila at pinagtawanan at ‘di ang kay Daniel.

 

SA PAGPAPAKILALA kay Julia Barretto ng DreamScape bilang gaganap sa remake ng Cofradia na unang ginampanan  nina Gloria Romero at Gina Alajar, marami ang humanga at nakagusto kay Julia sa pagiging bukas nitong sagutin ang lahat ng mga issue na pinupukol sa kanilang pamilya.

Ayon sa batang aktres, sanay na siya dahil lumaki na rin siya na parte ng buhay nila ang mga intriga. Training ground para sa kanya ang nakita niyang mga intrigang naipukol na sa kanyang ina at sa kanyang mga tita, kung kaya’t handa na siya sa ganitong mga bagay.

‘Di naman itinago na wala silang komunikasyon ng kanyang Lola Inday at ng kanyang Tita Claudine Barretto, ayon kay Julia ay mas magandang maayos muna ang problema ng kanyang pamilya, bago sila magkausap-usap ng kanyang lola at tiyahin.

Hindi rin nagpapaapekto sa kung anumang problema ng pamilya Barretto, para sa aktres ay hindi para problemahin niya ito at hinahayaan niya ito sa mga nakatatanda sa kanya na ayusin ang tungkol dito. Napakapositibo ng pananaw ni Julia kung saan masayang-masaya siya sa magagandang nangyayari sa kanyang career tulad nga ng paghahanda na niya para sa nasabing serye.

Tinanong din namin na balitang hindi in good terms ang kanyang mga magulang, para kay Julia ay hindi na para problemahin niya ito. Tuloy pa rin ang komunikasyon nila ng ama, kung saan nagkita-kita silang magkakapatid, nagpi-pizza sila bago magsimulang mag-campaign.

Nang kumustahin naman namin ang inang si Marjorie Barretto, pagkatapos kumalat ng sexy photos nito sa Internet, masayang nagkuwento sa amin si Julia na mas okay ang kanyang ina pagkatapos ng interview nito sa The Buzz kung saan hangang-hanga siya sa tapang at tatag ng ina.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Elmo Magalona, idine-deny si Lauren Young!

Leave a Reply

Your email address will not be published.